Chapter 34

1 1 0
                                    

It was a sudden decision that I made. Nag paalam naman ako sa magulang ko at nag patulong pa sa iba para lang makarating sa isla. It's an effort for me tulad nga ng sabi ko. I just kept my hopes up na sana nandoon nga siya.

Siguro sa kaka-asa ko din ay parang naluha ako ng sabihin sakin ni nanay na wala si Rav dito. Hindi ko nalang pinahalata saka naman na kami pumasok sa loob. Nag handa nga ito ng gabihan at saka naman nadin kami nag salo-salo. Hindi kona ito hinayaan mag ligpit at pinaalalay ko nalang sakanya ang mga security na kasama ko.

Ayaw kong mag isip kaya ako ang nag linis ng aming pinag kainan. Nang matapos naman ay saka ko naman kinamusta sila nanay Be sakanilang bahay panandalian. Natuwa ang mga apo nito dahil sa pag bisita ko pero hindi narin naman ako nag tagal dahil gabi na.

Hinayaan kona din ang mga security na mag sara ng bahay saka na ako pumasok ng kwarto. Inilagay ko sa kabinet ang mga dala kong damit saka naman na nag shower.

Nagawa ko namang mag isip ng ako ay mahiga nadin. Bakit nga naman siya pupunta dito kung ang huling ala-ala niya sa lugar na ito ay kaming dalawa ang mag kasama?

Ako ang iniiwasan niya kaya ba't niya babalikan ang lugar na ito kung saan kami naging masaya panandalian. Ayaw kong mag conclude tulad nga ng sabi ko pero ang daming pumapasok sa isip ko at nasasaktan ako.

Para kaming nasa maze dahil sa mga nag daang problema saming dalawa. O kahit sakin nalang. Ngayon na maayos na ganto parin kami at hindi mag tagpo tagpo halos.

Para kaming nag lalaro ng taguan. Kahit ilang beses mong hanapin hindi mo makikita kasi alam mong hindi nakatakda. Yun ang nasa isip ko ngayon. Pero sana kahit papano kami naman yung maging maayos na dalawa. Ang hirap kasing tumaya pa sa wala. Ang hirap ding umasa at mag hintay.

Pag gising ko sa umaga ay nag ayos na kaagad ako. Naligo na muna ako at nag bihis lang ng pang ligo saka nag tungo sa kusina. Si nanay Be agad ang bumungad sa akin at bumati. Nakapag handa na ito ng almusal at ako nalang daw ang hindi pa kumakain.

Nag tanong din ito ng mga gusto kong kainin habang nandito ako at hinayaan ko nalang siyang mag desisyon. Isa ko lang din naman at siguro hahayaan ko nalang din muna ang sarili ko na mag enjoy sa lugar na ito kahit papano.

Pinaalam din nito sakin na may mga turista ng dumating. Dalawang grupo ito kaya hindi kona muna binalak pumunta sa may dagat. Pag tapos kong iligpit ang aking pinag kainan ay nag tungo ako sa likod bahay. Lumublob lang naman ako sa may pool pero hindi na nag babad pa.

Kung tutuusin paano ko nga ba ma eenjoy ang lugar na ito na mag isa? Ni hindi nga ako nakapag paalam sa mga may ari na andito ako. Wala akong gana pero triny kopa rin at mag stay pa muna rito.

Pero kahit bola bolahin ko ata ang sarili ko rito hindi ko magawang mag enjoy o sumaya. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko kaya bumalik nalang ako sa kwarto at sa shower nalang at muling nag mukmok.

The whole day I was just lying on the bed. Nanunuod paminsan minsan pero madalas na tulala lang ako sa harap nito. Si nanay Be ay inaalagaan naman ako at hinahatiran lang ng pag kain doon. Hindi naman niya ako ginugulo pero alam kong nag aalala lang siya.

Nang gabi naman na wala na ang mga dayo sa isla ay dun na ako lumabas sa may tabing dagat at nag lakad lakad nalamang. Medyo mahangin at malamig kaya nag tapis lang ako ng balabal. Naka sunod naman ang security sakin kaya panatag ako kahit papano. Liwanag ng bwan nalang din ang tanging naging ilaw ko.

Senti na kung senti pero malungkot talaga ang pakiramdam ko. Nawalan din ako ng gana at hindi kumain. Nag kulong lang din naman akong muli sa kwarto ng mapagod akong mag lakad. At nag patangay sa antok.

Kinabukasan ay ganun lang din. Ang pinag kaiba nga lang ay hindi ako tuluyang lumabas ng kwarto. Minsan talaga kailangan mo lang ding mag mukmok. Malungkot ako at dapat damahin kopa yun. Ganun naman talaga halos ang mga babae.

Jes called but I didn't answer. I just texted her that I'm okay at hindi ko kasama si Rav. She keeps on calling pero sinilent ko lang ang telopono saka muling tumunganga sa may view. It was a doorway out of the room at naupo lang ako sa sahig at pinag masdan ito.

The clouds are dark at may mahina nading pag ulan. Pero payapa parin naman ang dagat at ang gandang pag masdan. Nakakainis lang kasi nakikisabay pa ang panahon. Ewan ko ba bat ganto ang nararamdaman ko. Napaka bigat. Sobrang bigat.

Nang magising ako ay bandang hapon na ata. Hindi ko naman matandaang lumipat ako sa kama dahil alam kong sa sahig ako nakatulog. Dali dali naman akong lumabas ng kwarto at luminga linga sa paligid. Walang tao sa loob ng bahay kahit si nanay ay wala.

Sa likod bahay naman ay nakikita ko silang nag kakahig ng lupa dahil nag butas butas din ito dahil sa tubig galing sa ulan. Nag tungo naman ako sa harap at tanging security lang ang nakabantay sa may pintuan.

"may pumasok ba sa loob ng kwarto?" tanong ko sa mga ito.

"wala naman po kaming napansin ma'am" tango ko naman. Tutal ay nasa labas nalang din naman ako ay nag pasya na akong mag lakad nalang ulit. Pero sa bandang kaliwa ay may mga taong nakatayo doon. At mukhang mga security rin.

"sino sila? May mga turista bang dumating?"

"wala po ma'am. Si sir Rayver lang po tsaka mga body guard nito" nabuhayan naman ako agad sa aking nalaman.

Dali dali kong tinungo ang lugar kung nasan ang mga tao at nakita ko doon si Rav na may inuutos sa iba. Napahinga pa akong malalim ng makita ako nito saka namang kalmadong lumapit sakanya.

"kanina kapa dumating?" bungad ko ditong tanong.

"yeah... hindi na kita ginising... may nakapag sabi kasi sakin na andito ka daw" tango ko naman rito. "mag meryenda kana sa loob. Inaayos lang namin ito kasi baka lumakas ang ulan"

Inaayos nila ang mga cottage at tinatakpan ito ng malaking cover upang hindi mabasa. Hinayaan ko nalang naman sila doon saka dali dali nanamang pumasok ng bahay.

Mukhang hindi siya masayang makita ako. Pero ako halos tumalon na ang puso ko ng makita siya dito. Pero nasaktan ako sa reaksyon na binigay niya sakin. Hindi man lang ako nito nilapitan at tinignan lang ako na parang wala lang.

Dumiretcho ako ulit sa kwarto at nag sara lang ng pinto. Ni lock ko yun ng todo pati narin ang pintuan sa may terrace. Kumuha ako ng damit saka naman nag babad sa shower. Hinayaan ko lang ang agos ng tubig sa buo kong katawan kasabay ang pag agos ng luha ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Akala ko kasi kakamustahin man lang ako nito o kaya kahit mag tanong man lang patungkol sakin at kung bakit andito ako. Pero wala, just a blank Rayver ang nakausap ko kanina.

Pag tapos kong mag bihis ay napag pasyahan kong mag lakad lakad sa dagat. Nasa loob naman na ito ng bahay at mukhang may kausap sa telepono kaya hindi kona din ito inabala pa. may dala naman akong balabal para sa lamig at wala pa namang ulan kaya pwede pa akong mag ikot.

Ngayon kahit papano ay alam kong maayos naman ang lagay nito. Gustuhin ko mang umuwi alam kong hindi ako papayagang bumyahe dahil delikado rin dahil sa panahon. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko din naman ito harapin sa ngayon. Lalo na at ganun ang pakikitungo niya sa akin. Walang buhay.

"ate!" sigaw naman ng isa sa mga batang papalapit samin.

"pasok na daw po kayo kasi baka umulan na" ngiti ko naman dito panandalian.

"si nanay Be ba nasa bahay niya?"

"upo ate ganda. Nananahi ang lola kasama ang nanay"

"lika samahan niyo nalang ako doon. Wala kasi akong gagawin sa bahay" tango naman ng mga ito saka na kami nag lakad pabalik.

Rav was outside the house at naka pamewang lang habang naka tingin samin. Nang mapa daan naman kami doon ay ngumiti lang ako dito saka parin sinundan ang mga bata.

Yun naman ang gusto niya diba. Ang mag iwasan? Pag bibigyan ko siya tutal hindi ko rin naman kayang harapin pa siya sa ngayon. Ang sakit lang sa damdamin.

Rainy MadnessWhere stories live. Discover now