Chapter 35

1 1 0
                                    

Tahimik naman dito sa likod ng villa. Nakapag ayos nadin naman ang mga ito para sa padating na ulan. Dumiretcho naman kami sa bahay ni nanay at doon ko nga sila naabutang nanahi.

Tambak tambak din ang mga gamit na andun at mukhang iyon ang kanilang natapos na. ang iba naman ay patong patong lang halos. Dalawang makinilya lang ang gamit nila kaya puspusan ang kanilang pag tatahi.

“o anak. Napasyal ka?” nag mano naman ako rito pag kakita nito sa akin.

“wala ho kasi akong ginagawa doon. Dito po muna sana ako”

“walang problema. Pero nag kita naba kayo ni Jr?”

“upo nay. Nasa bahay po nag papahinga siguro”

“aba’y galit na galit kanina yun ay! Nadatnan ka daw nitong natutulog sa lapag. Tapos tinadtad ako ng tanong kung ano daw ginagawa mo dito. Kung kailan ka daw dumating? Kung kumakain ka daw ba? Pasensya na hija at hindi naman ako marunong mag sinungaling ay. Nag aalala din kasi ako sayo at matamlay ka at hindi nag kakakain” ngiti kong tipid rito.

“pasensya napo nay kung nag alala kayo. Hindi lang po talaga maganda ang pakiramdam ko”

“hindi sa nang hihimasok ako. Kayo bang dalawa ay nag away?” iling ko naman dito. “kung ganun eh bat andito ka at mukhang iniiwasan mo siya?”

“hindi naman po sa ganun nay. Wala lang po akong sasabihin sakanya. Siya naman po ang umiwas sakin”

“hindi niyo masososlusyunan iyan kung mag iiwasan kayong dalawa. Dapat ay pinag uusapan niyo iyan” tango ko nalamang dito.

“ano nga po palang tinatahi ninyo?”

Saka naman nito pinakita sakin ang mga basahan. Trabaho raw iyon ng kanyang manugang kaya tinutulungan niya lang din ito. Dag-dag kita narin para sakanila.

Tinuruan pa ako nitong mag salansan at saka kung pano dapat ang tamang pag tatahi. Natuwa naman ako kaya nag tagal din ako doon halos. Ang mga bata din ay sumasabay sa saliw ng tugtog at nag sasasayaw sa harapan namin. Nakakatuwa silang pag masdan kahit napaka gagaslaw.

Napatigil lang naman ako ng sunduin ako ng isa sa mga security ni Rav at pinapauwi na daw ako nito. Nag paalam naman na ako kela nanay saka na sumunod sa mga ito pabalik ng villa.

Rav was at the dinning table at nakahain na ang mga pag kain doon. Mukhang hinihintay ako nito kaya umupo nadin naman ako. Tahimik lang naman kami pero ayaw ko itong tapunan ng tingin. Hindi kasi ako sanay na ganto kaming dalawa sa isa’t isa. Binibilisan ko na nga lang din ang pag kain ko para maka alis na sa tabi nito.

Pero bago pa man ako matapos ay nag lapag na ito ng kubyertos pabagsak sa lamesa kaya ikinagulat ko iyon. Umalis nadin naman ito kaya hinayaan ko nalang.

Nawalan nalang din naman ako ng gana kaya niligpit kona ang aming pinag kainan. Pero kasabay nun ay ang pag pigil kong maluha. Siya pa ang galit, siya pa ang may ganang umalis sa tabi ko. Kung sabagay galit ito sakin kaya pinag patuloy ko nalang ang pag liligpit.

Nang matapos naman ako ay hindi ko alam kung nasaan ito. Wala ito sa sala o sa likod bahay, wala rin naman ito sa labas kaya inisip ko baka nasa kwarto ito.

Lalabas nanaman muli sana ako kaso umulan nalang bigla. Nag kampo nalang naman ako sa may sofa at binuksan ang t.v nag hanap nalang din naman ako ng palabas at tumutok doon. Hindi ko nga lang maintindihan ito.

Lumilipad ang utak ko sa totoo lang. ang sakit sakit pa ng dib-dib ko at nakakaasar. I never thought na mag kasama nga kami sa iisang bubong pero heto kami halos mag iwasan para lang hindi mag tagpo.

Wala akong idea kung bakit ang lamig niya sakin kaya hinayaan ko siya. Tumutulong nadin ako sa pag iwas pero ang sakit pala. Eto na dapat yung time na akala ko magiging maayos na kami. Pero laging may hadlang. Sa lahat ng paraan lagi nalang wala sa tamang panahon.

Sabi niya hindi na siya bibitaw o hindi na siya aalis sa tabi ko. Pero eto ako ngayon sa gitna ng napakahabang sofa mag isa habang naka ilalim sa balabal at halos para ng tangang lumuluha mag isa. Worst part was, alam kong nasa paligid lang siya. Pero walang pakielam sa akin.

Nagising naman ako ng madaling araw. Wala ng ulan at payapa na ang dagat. Palabas narin ang araw kaya nag desisyon na akong tumayo. Nag punta ako sa kwarto at nag dahan dahan namang pumasok sa loob.

He’s asleep. Peacefully sa kama, hindi ko naman na ito tinignan pa ng matagal at kinuha nalamang ang mga gamit ko at inayos iyon sa aking bag. Nang matapos ay gumawa nalang ako ng sulat.

‘mauna na akong umuwi… ingat kana lang din sa pag byahe mo’

Pag ka dikit ko nun sa may kabinet sa gilid nito ay lumabas na akong ng kwarto saka nag punta sa likod bahay. Gising na sila nanay Be at nag paalam nadin ako sa mga ito. Nag pahatid naman ako sa anak niya papunta sa pier at saka nag pasalamat sa lahat.

Bago pa man ako sumakay ay muli kong binaling ang aking paningin sa isla. It was a beautiful place and I enjoyed my stay here. Pero kailangan ko ding linasin na ito at hindi ko alam kung makakabalik pa ba. Sana hindi pa ito ang huli naming pag kikita.

Nakarating naman kami agad sa bahay ng maayos. Nag pahinga nalang din ako sa kwarto dahil nilalagnat pala ako. Hindi ko nalang ito napansin kanina dahil mas iniinda ko yung sakit ng aking dib-dib.

Pero bago pa man ako lamunin ng antok ay bumuhos naman ang lahat ng luhang aking pinipigilan. Napuno na siguro ito kakapigil ko kaya hindi kona din kinayanan. Life must go on. Wala na akong magagawa pa sa pain. Hahayaan ko nalang itong mag flow sa ngayon para sana bukas maging maayos na ako.

------------------

Since that time I saw Nathaniel and Rain kissed. Para akong pinag baksakan ng langit at lupa. It pains me seeing that scene at wala akong karapatan pang himasukan ang mga ito dahil walang kami ni Rain.

I don’t want to conclude more dahil sobra na akong nasasaktan. It was suppose to be a good day pero hindi talaga natatapos ang araw ko na hindi nagagalit o nasasaktan man lang. lagi nalang may kapalit na lungkot ang kasiyahan ko kahit hindi pa tapos ang araw.

Gustuhin ko mang mag mukmok pero mas lalo ko lang maiisip ang nakita ko. It shouldn’t be likes this ‘cause I don’t know the real reason about it pero hindi ko kayang tanungin man lang at harapin ito.

I texted Carlos to meet at the bar. Nauna naman na akong dumating doon kaya nag inom na lang ako ng nag inom. Maaga pa kaya wala pang tao at ang mga service crew naman halos nakatutok lang sa akin.

I didn’t mind those people dahil mas iniinda ko yung pain. Siguro nga kailangan pa namin ng onting oras para maging maayos pa. ang dami kasing humahadlang. Sa oras, sa tao, sa lahat lahat. Parang hindi kami tinadhana at talagang sapilitan lang lahat para kami ay mag tagpo.

“ang aga aga dude! May problema nanaman ba?” upo nito sa tapat ko saka naman siya kumuha nadin ng beer at uminom.

“tired in pain” ngisi ko rito saka nalang muling ininom.

Hindi naman na ako nito pinag tuunan ng pansin dahil kahit ata sumigaw ito sa tabi ko ay hindi ko siya naririnig. All I see was how happy Rain is with me when we’re in Northern area. How clear every emotions she has in my mind.

How I look stupid kapag tinititigan ko bawat galaw nito. I was never like this before kaya para akong siraulo kapag naka titig dito habang naka ngiti. At kayang lumipas ang buong araw kong naka titig lamang sakanya.

And now that I am hurt, I’m inside this bar thinking so many things and being a drunkard. I never felt this pain before kaya siguro ninanamnam ko dahil wala akong karapatang ipakita sakanya na nasasaktan ako dahil walang kami.

Pinangarap kong mag karon ng kami pero paano? Paano kung ganto naman kasakit ang puso ko sa nakita ko palang? Questions that are in my mind keeps on wobbling again and again.

Why are they together? He’s not even allowed to be beside her. Why did Rain allowed it? Hindi paba siya nadala sa dinulot nito sakanya? And what about the kiss? What was that for?!

Rainy MadnessWhere stories live. Discover now