Chapter 32

0 1 0
                                    

It’s like a mind game you know? Kasi iisipin at iisipin mo kung may nagawa kabang pag kakamali at ganun ka niyang trinato. Hindi pa ako mapakali kung bakit siya nag walk out pag ka kita sakin. Parang I became a virus on his eyes kaya kailangan wag siyang dumikit para hindi mahawa.

Ang babaw naman kung iisipin kong nagalit siya ng dahil lang nakatulog ako dahil nag iwan naman ito ng note sa akin na babalik siya. So anong pwede kopang isipin bakit ganun ang naging reaksyon niya sa akin?

“bakit umalis yun?” tanong ni Jescy sakin na ikinibit balikat ko nalang. “nag away kayo?”

“wala akong matandaan” lungkot kong sabi rito.

“si Carlos o?” turo naman nito at ng makita kami ay lumapit na siya agad at bumati. Bumeso ito sa aming dalawa saka umupo nadin sa bakanteng upuan.

“what would you like pala?” tanong ni Jes dito.

“mamaya na. I’m waiting for Jr” taas taas kilay pa nito. “dumating naba siya?” tango naman naming parehas.

“kanina pero umalis din eh” sagot ni Jes.

“huh? Kala koba dito kami kakain?” labas nito ng phone niya saka nag pipipindot.

“umalis pag kakita kay Rj eh” sagot ni Jescy rito saka naman napa iling si Carlos. Mukhang tinawagan niya ito at hindi sinagot.

“is there any problem that I didn’t know?” singit ko rito.

“well… he was with me last night sa bar… he told me that he’s hurt pero hindi ko naman tinanong kung bakit… nag away ba kayo?”

“no… naka tulugan ko siya kahapon, pero pag gising ko nag iwan siya ng note that he’ll come back. Naka alis na si Nathaniel at lahat lahat wala parin siya eh” nanlaki naman ang mata ng mga ito sakin.

“baka nakita niya kayo. I mean kung nag uusap lang naman kayo bat naman siya masasaktan dun?” singit ni Jes.

“actually Nath kissed me before he went out” nanlaki nanaman muli ang mga mata ng mga ito. “will you stop doing that? Nakakatakot kaya itchura niyo” nguso kopang sabi rito.

“why was he with you?” tanong ni Carlos sakin.

“he wanted to talk to me. Nag paalam naman siya kay dad kaya I let him. Hindi naman siya nag tagal. Hinalikan niya lang talaga ako pero nakapag react naman ako agad” paliwanag ko

“now I know… he saw you… that’s why he’s fucking drunk last night” mas lalo naman akong nalungkot sa sinabi nito.

“he’s not answering my calls… I went to his office pero hindi daw ito pumasok” lungkot kong sagot dito.

“sa bahay niya nag punta kaba?” tanong ni Jescy.

“no… hindi ko alam kung saan”

“tara… puntahan natin” tayo naman ni Carlos saka kami tinignang dalawa. “sasama ba kayo o hindi?”

“sasama ako! Wait lang” natawa naman ako sa itchura ni Jescy dahil nag madali itong pumasok sa opisina niya at talagang sasama ito sa amin.

“chismosa talaga yang kaibigan mo no?” birong tanong pa sakin ni Carlos na ikinatango ko naman na may kasama pang tawa.

Umalis nadin naman kami at sumakay nalamang sa sasakyan ni Carlos. I was silent the whole ride and thinking on what should I say to him or would he even approach me. The possible reason was he saw us kissing kaya siguro ganun nalang ang itchura niya kanina.

But at least sana he let me explain my side kung bat ganun ang naabutan niya diba? Ang hirap kasing mangapa sa kung bakit ganun ang reaksyon niya. Wala akong ginawang masama o sinabi na ikakasakit nito. Yun ang pagkakaalam ko.

Rainy MadnessWhere stories live. Discover now