Chapter 6

3 1 0
                                    

Pag dating namin sa restaurant ni Jescy ay inalalayan na kami agad nito sa may second floor. Meron kasi itong close room na kasya hanggang 30 persons kaya dun nalang niya kami nilagay since bakante naman ito.

Puno rin ang restaurant niya at tinago kona agad ang aking mukha. Mabilis kumalat ang issue makita lang nila ang mga taong kilala sa industriya at pabubulaan na ng kung ano anong issues sa social media. I really do hate going in public dahil sa mga ganung tao. Especially this time dahil kung saka-sakali ngayon lang kami makikitang mag kakasama.

Not any events or parties na nakitang nakakapag usap kami kaya ngayon lang talaga. Buti nga ang proposal namin ay hindi kona pinalabas publicly at halos tanggalin ko agad ang sing-sing ko pag katapak ko palang ng sasakyan ko. Same as Rayver, hindi naman nabalitang ikakasal na sila ni Brianna. Public figure din ang fiancé niya kaya for sure malaking scoop yun sa media.

Nag pa serve nalang naman ng specialty ang mga lalaki kay Jescy at inutos nalang ito sa isang waiter na pinag assist nito samin.

"so you both knew each other since?" baling sakin ni Carlos.

"Jes was my high school friend. Then became classmates until college" tango ng mga ito sakin.

"same here! I knew this dick simula pa ng supot pa kami" natawa naman din ako sa sinabi nito kahit si Jescy.

"under what business ka nga pala?" baling ko kay Carlos.

"cars! Parts and even assembling" wala naman kaming alam halos ni Jes dun kaya hindi narin siguro namin ito nadugtungan. Bigla naman nag alarm ang phone ko.

"shoot!" kuha ko rito saka diniall ang number ni Nathaniel.

"asshole alert!" asar ni Jescy sakin kaya iniwan ko na muna sila at lumayo onti.

"why do you call her fiancé an asshole?" usisa ni Rayver kay Jescy.

"because he is! Literally! Napaka bossy, tapos hindi man lang niya napapansin na nasasaktan na niya ang kaibigan ko. To naman tinaggap pa ang kasal" galit na sagot ni Jescy.

"mahal niya siguro" singit ni Carlos.

"tsk! Stupid love! Sakal na sakal na nga siya eh! Minsan lang naman umuwi dito dahil busy sa pag rereview niya sa bar exam sa ibang bansa. Pero pag umuwi naman kung makapag mando ganun ganun lang. tas pag hindi nasunod nitong isa nahahawakan niya ng madiin si Rj kaya puno ng pasa after"

"why don't they talk about it?" dagdag ni Rayver.

"she tried. Pero ewan ko! Takot siya doon"

"same as you dude!" biro ni Carlos sa kaibigan.

Samantala si Rain naman ay kausap ang nobyo sakanyang telepono.

"I'm sorry Bud kasama ko kasi si Jescy kaya hindi ko napansin ang oras" pakikiusap nito dahil galit narin ang nobyo.

'I told you to alarm every time. Kanina pa ako tumatawag! Mag kalayo na nga tayo hindi mopa ako mabigyan ng oras para makausap ka?! Ilang beses kona tong sinabi ah. Wala kang schedule ngayon and you're suppose to call me earlier!' pag pupuyos nito ng galit.

"hindi ko lang po narinig agad. I'm sorry"

'whatever! Just take care of yourself. I have to go!' patay naman agad nito ng tawag.

I just didn't really heard the calls dahil abala ang utak ko kakaisip kanina pa. I knew how busy he is at dapat alam niya yun. Pero sa gantong oras alam niyang bakante ako kaya nagalit nanaman siya. Thank God at wala siya dito baka madagdagan nanaman ang pasa ko.

Rainy MadnessWhere stories live. Discover now