Chapter 2

1.8K 40 6
                                    

Pen's POV

Pagkaalis nung crew, natulala ako.

Shocks, ang gwapo...nung nasa cup ng coke!

"Oh my ghad! Si Eli!" Biglang sigaw ni Shae, lahat ng tao napatingin sakanya.

Nakatingin siya sa cup ng coke, linipat ko ang tingin ko sa cup ko tapos sa cup niya ulit, tapos sa cup ko tapos sa cup niya. Eli?

"Ito si Elias! Si Elias Sullivan!" Hiyaw niya.

Siya 'to? Fuck, ang gwapo pala talaga! No wonder baliw na baliw si Shae sakanya.

"Shae, sa tingin ko..."

"Ano?"

"Kailangan ko ng pumasok sa lalong madaling panahon!" Sigaw ko. Natawa kami pareho.

"Basta hati tayo sakanya ah! Sa'yo siya sa umaga, akin siya sa gabi.." Sambit niya habang napapasexy pa, muntik na ko maduwal.

"Ano ba, Shae! Ang laswa!"

Nagtawanan kaming dalawa. Nung maubos na namin 'yung dragon seeds, umuwi na kami.

"Pen, teka!" Pagpigil ni Shae sa'kin, tumakbo siya papunta sa bahay nila na ilang bahay lang ang pagitan sa bahay namin. Pagbalik niya, may dala siyang dress.

"Natanggap ko 'yan sa exchange gift nung nakaraang pasko, suotin mo bukas." Sambit niya sabay abot sa'kin nun.

"Daan ka din sa amin bukas, aayusan kita!" Dugtong niya pa.

"Ha? Bat aayusan? Di naman party pupuntahan ko."

"Hello? Mami-meet mo kaya ang isang Elias Sullivan, you should look your best! Kung ako yan, magg-gown pa ko!" Sagot niya.

Natawa ako. "Okay na 'tong dress, Shae!" Sambit ko, aangal pa sana siya pero pumasok na ko sa bahay namin.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Walang sinabing time yung auntie ng aalagaan ko pero maaga ako pupunta.

Nag-ayos na ko, linabas ko yung peach na dress ni Shae. Hanggang sa taas ng tuhod ang haba nito tapos sleeveless. Pinuyod ko nalang ang buhok ko at naglagay ng kaunting blush at lipbalm. Sinuot ko na rin ang salamin ko, kasi malabo ang mata ko.

Pinares ko sa dress 'yung doll shoes ko. Nang matapos ko na lahat ay umalis na agad ako. Pagkadating ko sa mansion ng Sullivan, dumeretso ako sa room kung saan ako nag-apply, pero walang tao.

Bumaba ulit ako para itanong kay manong pero di niya daw alam, try ko daw tignan sa kabilang room. Umakyat na ko pero napaisip ako, saang kabila ba? Sa right o sa left?

Napakamot ako sa ulo, lumapit ako sa kaliwang room. Dahan-dahan kong binuksan 'yung kwarto. Pumasok ako.

"Wow, andaming paintings!" Sambit ko. Linibot ko ang buong room, puro libro at paintings. Grabe, tinitignan ko palang yung mga books, nahihilo na ko.

Umupo muna ako sa kama, sobrang lambot! Maya-maya, humiga na din ako. Parang nanghihikayat kasi 'yun na matulog ako sakanya. Hinanap ko yung kumot at binalot yun sa buong katawan ko.

Shet! Mukhang makakatulog ako nito ah.

Ilang minuto pa akong humiga doon, ninanamnam ko 'yung lambot ng kama. Maya-maya, biglang bumukas yung pinto ng cr sa kwartong 'to. Fuck, anong gagawin ko?! Tatayo ba ko at sasabihing inakit lang ako ng kama niya o magtatago nalang at hihintayin na umalis siya?

"Yes, I'll be there in a bit." Rinig kong sabi niya, may kausap ata siya sa phone, in fairness ang gwapo ng boses niya.

Napasilip tuloy ako, pero halos mapatili ako sa nakita ko. He's naked!

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now