Chapter 36

844 25 1
                                    

Pen's POV


Naglalakad na ko pabalik sa bahay, hindi na kami nakasakay sa mga rides doon sa perya kasi may kailangang puntahan si Eli, babawi daw siya next time. Habang naglalakad, hindi pa rin maalis ang ngiti ko habang inaalala ang nangyari kanina. Boyfriend ko na si Eli. Parang panaginip lang ang lahat!


Nang buksan ko ang pinto, sinalubong ako ni mama. "Oh anak, kamusta? Nasabi mo na?" Tanong ni mama, tumango ako at saka ngumiti. Niyakap niya ko.


Kanina kasi, pagkatapos namin kumain ay naghugas kami ni mama ng pinagkainan. Kinausap ko siya about kay Eli. Inamin ko na may gusto ako sakanya, at may gusto rin naman siya sa'kin. Tinanong ko siya kung ano ba ang dapat kong gawin. Ang sagot lang niya, gawin ko ang sa tingin ko ay magpapasaya sa'kin. That's why I said yes to him.


Kinabukasan, di na ko dumaan sa mansion at dumeretso na sa school. Napansin kong pinagtitinginan nanaman ako ng mga estudyante. Well, nasasanay na ko sa ganito.


"Congrats, Penelope." Bati sa'kin ng dalawang babae na nakasalubong ko. Nginitian ko sila. Pagkatapos nun, sunod-sunod na congrats ang narinig ko.


Nagtataka na ko, bakit ganoon sila sa'kin? Dahil ba nanalo ako sa BGT?

"Pen!"

Tawag sa akin ng pamilyar na boses. Si Aud! Kasama niya din ang iba naming tropa. Nasa hallway pa lang ako ay sinalubong na nila ako.


"Congrats, girl!" Sambit nila at saka inabutan ako ng maliit na box, nagtataka ko silang tinignan. "Ano 'to?"


"Basta, sa bahay mo nalang buksan!"

Sumunod na ko sakanila papunta sa room habang nakatitig pa rin sa maliit na box, nagtataka kung anong laman nun.

Nang makarating kami sa room, wala pa naman ang prof. Umupo sa tabi ko si Aud at nakangiting tumingin sa'kin. Kumunot ang noo ko, bakit ang wi-weird ng mga tao ngayon?


"Sabi ko na eh.." Mahinang sambit niya habang nakangiti ng nakakaloko. "Dapat talaga psych ang kinuha kong course!" Dugtong niya pa.

"Ha?" Tanong ko.


"I mean 'yung sainyo ni Eli."

Nanlaki ang mata ko, naalala ko tuloy yung nangyari sa perya. Hindi kaya...

"Nakita mo?" Nagtatakang tanong ko. Baka nandun siya sa perya, tapos nakita niyang naghahalikan kami ni Eli!

"Oo naman, kalat na kalat na kaya!" Sagot niya. Kumunot ulit ang noo ko.

"Ha?" Tanong ko ulit. "Shocks, di mo pa ba napanood?" Gulat na tanong niya. Nilabas niya ang phone niya at pinakita sa'kin ang isang article. Tungkol sa amin ni Eli 'yun!

Just in: Elias Sullivan confirmed dating rumors with Penelope Ariba

Sa baba nun ay may video, interview 'yun ni Eli. Sinasabi niya doon na totoo ngang kami na and he asked his fans to stop throwing hate over me. "I chose to disclose this rumor because I wanted to date freely. I want the world to know that I am proud of having her. I love that girl, so much. I hope my supporters will understand that I also have my own life and I have the right to date anyone that I like to. Thank you." Paliwanag niya doon. Napangiti ako.


Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now