Chapter 8

1.1K 28 4
                                    

Pen's POV

Tinanggal ko 'yung nakasalpak na earphone sa tenga ko.

"Sir, ano po?" Tanong ko kasi di ko narinig 'yung sinabi niya dahil sa lakas ng music na pinapakinggan ko. Saglit pa siyang natulala hanggang sa biglang napakurap, lumunok siya at saka nagsalita.

"Nothing." Maikling tugon niya, kumuha na siya ng baso at uminom. Pagkatapos nun ay umakyat na agad siya.

_____

Sabado. Sa wakas day off ko na at makakauwi na ko kila mama! Nag-ayos na ako ng gamit, bababa na sana ako nang magka-harap kami ni Eli, pababa na rin siya sa hagdan.

"Sir, san punta niyo?" Usisa ko.

"Work." Walang lingon lingon na sagot niya.

"Oo nga pala, modelo ka nga pala! Sige ingat ka po, sir!"

"Uhm ako po uuwi na sa bahay namin, sir." Dugtong ko pa. Hinihintay ko na sumagot siya pero di siya umimik.

"Ay oo sige ingat ka Penelope, ingat!" Sambit ko pa sa sarili ko.

Pagkababa niya ay umupo muna siya sa sofa. Ako naman, sumakay na sa kotse na minamaneho ni kuya Eman para ihatid ako sa bahay.

"Dito nalang kuya Eman, salamat po!" Sambit ko bago bumaba.

Dali-dali akong pumasok. Naabutan ko si mama na nagbabalot ng pansit habang si ate naman, natutulog.

"Hi ma, na-miss kita!" Sigaw ko sabay yakap sakanya.

"Kumain ka na dyan, nagluto ako." Sambit niya, napangiti ako.

Bago ako pumunta sa kusina ay dinaanan ko muna si ate.

"Ate Phoebe, na-miss kita. Pag-gising mo, may ibibigay ako sa'yo. Siguradong matutuwa ka..." Bulong ko, at saka hinalikan siya sa ulo.

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Pen pen.." Tawag niya sa'kin, lumuhod ako para mag-pantay ang mukha namin.

"Tara, kain na tayo!"

Binuhat ko siya papunta sa wheelchair niya at dinala na siya sa sala. Sabay-sabay kaming kumain. Nang matapos na akong kumain ay kinuha ko na 'yung binili ko para kay ate.

"Ate Phoebe, sana magustuhan mo." Sambit ko sabay abot sakanya nung binili kong sandals. Napangiti siya ng malapad at niyakap ako ng mahigpit.

"Yan nalang muna ate ah, sa susunod 'yung mamahaling high heels na, 'yung pang-model talaga!"

Tumango siya habang nakatingin pa rin dun sa binili ko.

Tumingin naman ako kay mama at inabot sakanya 'yung sinweldo ko.

"Sa'yo yan, itago mo." Sambit niya pero nagpumilit ako na ibigay sakanya 'yun.

"Para po 'yan sa pagkain niyo ni ate araw araw saka para po tumigil ka na rin sa pagbebenta ng pansit. Nagtabi na rin ako ng pampa-ospital mo, ma."

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now