Chapter 9

1.1K 27 2
                                    

Pen's POV

Kasalukuyan kaming nakaupo ni Eli sa bench habang pinapanood si baby Eldrich.

"Sir, may tanong ulit ako. Ano po bang sakit mo?" Tanong ko.

"Naku sir, isang what do you think mo pa talaga!" Dugtong ko pa.

"What will you do?"

"Ikikiss kita sige, isa pa sir ah!" Pananakot ko pero di ko naman kaya 'yun, baka masapak lang ako neto.

"Joke lang sir, baka masyadong sensitive 'yung topic. Basta kung ano man 'yan, magiging okay ka rin!" Pagchicheer up ko sakanya.

Pagkatapos maglaro ni Eldrich, pumunta kami sa mga balloons.

"I want that blue one!" Sambit ni baby Eldrich.

Habang kumukuha ng pera si Eli ay biglang may tumulak sakanya kaya nalaglag 'yung shades na suot niya.

"Sorry po." Sambit nung babaeng nakabangga sakanya. Pag-angat ng ulo nito ay nanlaki ang mata niya.

"Eli? Eli!" Sigaw niya sabay yakap kay Eli.

"Papicture naman please, idol na idol kita eh! Three years mo na akong fan!" Dugtong niya pa. Maya-maya, napansin na rin ito ng mga tao sa park kaya pinagkaguluhan siya. Nasiksik na tuloy kami ni baby Eldrich, binuhat ko siya nilayo doon. Hinintay nalang namin si Eli sa kotse.

Maya-maya, pumasok na rin siya sa kotse. Gusot pa ang damit niya tapos gulo-gulo ang buhok. Di ko tuloy maiwasang matawa. Nang mapansin niya ako ay kumunot ang noo niya.

"What?" Masungit na tanong niya. Napatigil ako sa pagtawa at binalik na lang ang tingin ko sa harap.

Inuwi muna sila Eli sa mansion tapos hinatid na ako sa bahay namin.

"Thank you po, kuya." Sambit ko sa driver ni Eli.

Pagkababa ko, naabutan ko si ate Phoebe na umiiyak.

"Ate, anong nangyari?" Tanong ko. Tinuro niya 'yung sandals na binigay ko, sira na 'yung heels nito.

"Shhh tahan na ate, ibibili kita ng bago.." Bulong ko sabay yakap sakanya. Panay pa rin ang turo niya doon sa heels ni mama.

Kinabukasan, maaga akong gumising para magsimba. Routine na namin ni Shae 'to, ang magsimba tuwing Linggo.

Sa dami ng napagdaanan ng pamilya ko, di pa rin ako sumusuko, nagtitiwala pa rin ako sa panginoon. May tiwala ako sa mga plano niya para sa akin. Lagi ko rin pinagdarasal na sana bumalik na si papa, o kung hindi man, kahit si mama nalang ang bumalik, 'yung dati kong mama, 'yung masiyahin.

Pagkatapos ng misa, naalala ko si Eli. Nilabas ko 'yung cellphone ko at sinearch ang pangalan niya sa contacts.

To: Eli

"May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.
-Romans 15:13"

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now