Chapter 40

831 20 1
                                    

Pen's POV






"Happy New Year!"





Tinaas namin ang glass wine at saka nag-cheers. Samantalang bote naman na may gatas ang hawak ni Eldrich.





Nasa mansion na kami ng mom ni Eli. Kakarating lang din ng dad ni Eldrich. We're currently enjoying our media noche. Sobrang bait ng family ni Eli, pati sa dad ni Eldrich na kaka-meet ko pa lang ay magaan na ang loob ko.





Pagkatapos naming kumain ay nag-volunteer ako na mag-hugas ng pinagkainan.






"Hey, I'll go with you." Bulong ni Eli at saka tumayo at sinundan ako sa sink. Nasa dinning area ang mom at step dad niya, kausap si ma'am Ana through video call, kasalukuyan siyang nasa US.





Sina Eldrich at ate naman ay nasa living room, naglalaro, binabantayan sila ni mama.






"Are you happy?" Tanong niya habang hinuhugasan ang mga platong nasabunan ko na. Tumango ako for a yes, napangiti siya ng malapad.





"How about you?" I asked. Nang mabanlawan niya na ang huling pinggan ay humarap siya sa'kin. Binuksan ko ang gripo para hugasan ang sponge. My eyes widen when he gave me a quick peck. "Yes." He answered. Natulala ako.






"Yung gripo.." Bulong niya, nagising ako sa realidad at pinatay ang gripo, lumingon pa ko sa likod para i-check kung may nakakita sa amin pero mabuti na lang at busy silang lahat.





Naalala ko tuloy kanina. We kissed under the fireworks. Hindi ko namalayan na katabi ko pala sila Eldrich. Ayun tuloy, buong byahe ay kinukulit kami ni Eldrich. He's been shouting, "I saw them kiss! They kissed!"






Tumawa na lang sila mama. Nakakahiya!






We spent a week in London. In-extend pa nga iyon dahil supposedly four days lang naman dapat kami rito.






Nang makabalik kami sa Pinas, ilang araw lang ay pasukan na ulit.






"Kilala niyo 'yung nag-celebrate ng new year sa London?" Tanong ni Aud. Napa-higop ako sa chocolate shake na hawak ko.






Naki-usisa naman sila Mimi. "Sino? Nagsisimula ba ang pangalan nito sa P?" Tanong niya.






"May hawak ba siyang chocolate shake ngayon?" Tanong naman ni Lele.






"Mukhang may suot pa siyang bagong bracelet, baka new year's gift sakanya ng boyfriend niyang modelo.." Sambit ni Aud. Nagtawanan sila.





Tinaas ko ang sleeves ko at saka pinakita sakanila ang bracelet ko. May nakalagay dun na print, 'daughter'.






"Ah, baka sa mother-in-law galing." Sambit ni Lele. Isa-isa ko silang binatukan.





"Mukhang mas naging brutal at wild siya! Bakit kaya?"





Natawa ako sa mga itsura nila. Kanina pa nila ako pinagti-tripan dahil nalaman nilang kasama ko si Eli sa London nung new year's eve. Friend pala ni Aud ang mom ni Eli sa facebook at nag-post ito sa story niya ng picture namin nung media noche.





Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now