Chapter 20

1.1K 38 13
                                    

Pen's POV

A double date for me, Eli, ate Ritz and Pete? Fuck, wala na yatang mas la-lala pa sa sitwasyon ko ngayon.

Kasalukuyan akong naga-ayos, casual date lang naman daw. Kakain lang kami sa restaurant. Nagsuot lang ako ng simpleng dress at hinayaang nakalugay ang buhok ko. Tinignan ko ulit ang sarili ko salamin.

'Ilang oras lang naman 'to, Pen. Magtiis ka nalang.' Bulong ko sa sarili ko.

Paglabas ko ng kwarto, nagmadali akong lumabas ng mansion. Ayokong makita si Eli kaya magco-commute nalang ako. Habang naglalakad ako, biglang may pumreno. Nilingon ko ito, nakita ko ang pamilyar na kotse. Binaba niya ang bintana nito.

"Hop in." Sambit ni Eli. Napalunok ako. Say no, Pen. Say no.

"W-Wag na po sir."

"I said hop in." Maawtoridad pa na sabi niya.

"No thanks po, magco-commute nalang ako." Sambit ko. Akmang lalabas na siya ng sasakyan nang may pumreno ulit.

Tumigil sa harap ko ang motorsiklo. Inalis nito ang helmet niya at bumungad ang pamilyar na mukha. Si Pete.

"Tara na, Pen!" Aya niya sa akin. Napatingin ako kay Eli na kasalukuyang naghihintay parin, tapos binalik ang tingin ko kay Pete.

"Sige Eli, kita nalang tayo sa restau. Ingat ka!" Sambit ko bago sumakay sa motor ni Pete. Sinuotan ako ni Pete ng helmet sa harap ni Eli.

Maya-maya, pinaharurot na ni Eli ang kotse niya palayo sa amin. Napahinga ako ng maluwag.

"Okay ka lang?" Tanong ni Pete habang inaayos yung helmet ko. Tumango ako.

"You seem anxious." Puna niya pa sa akin. Ngumiti ako ng pilit.

"Okay lang talaga." Sagot ko. Tinapik niya ng mahina yung taas ng helmet at saka ngumiti.

"Kapit." Sambit niya. Kumunot ang noo ko.

"Kapit?"

"Kapit ka sa'kin. Sige ka, gusto mo bang mahulog?" Natatawang tanong niya. Umiling ako. Hinawakan niya ang kamay ko at inikot sa bewang niya.


"Para di ka na mahulog, masakit 'yun." Pahabol niya pa bago pinaandar 'yung motor.

Ilang saglit lang, nakarating na kami. Nakita namin na nakaparada na doon ang kotse ni Eli kaya malamang nandun na siya sa loob.

Hinanap namin sila.


"Pen, over here!" Sigaw ni ate Ritz. Lumapit kami sa table nila. Napunta agad ang tingin ko kay Eli. Ang gwapo niya, as usual.

Umupo na kami at nag-order. Maya-maya tinawag na namin ang waiter, nag-abot siya sa amin ng survey, sinagutan naman namin.

"Thank you so much, ma'am, sir, and in exchange for that, you will be having a free ice cream." Sambit niya. Napangiti ako. Yay, ice cream!


"Anong gusto niyong flavor?" Tanong ni ate Ritz.

"Ube sa'kin." Sambit ni Pete.

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now