Chapter 42

805 12 2
                                    

Pen's POV




"May plans na kayo for today?" Aud asked. I look at her with confusion, at saka binalik ang tingin sa libro. Kasalukuyan kaming nasa library, nagre-review for the long quiz.



"Para saan?" Tanong ko. Hinampas niya ng mahina ang librong binabasa ko para makuha ang atensyon ko.



"You know, for V-day!" She replied. Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala, February 14 pala ngayon. Shit.



"Nakadaan ka sa shop na tinuro ko sa'yo? You told me yesterday na pupunta ka dun pag-uwi mo from bar." She said. Napa-sapo ako sa ulo.



Sobrang late na ko nauwi kagabi. Linggo kasi, tapos mostly sa mga dumayo doon ay nagce-celebrate ng pre-Valentines. Kaya na-extend nang na-extend.



"What? Di ka pa nakabili? What about Eli? May nasabi na ba siya kung san kayo magkikita?" Tanong niya, napaisip ako.



He called me yesterday before I go to sleep pero wala naman siyang nabanggit.



"Wala," I replied.



"Ah, baka surprise."



After class, sinamahan ako ni Aud sa shop para bumili ng ire-regalo ko kay Eli. I decided to him a silver watch. Medyo cheap lang pero sure naman ako na ma-appreciate niya 'to.




I texted him na nasa labas na ako ng school. Hindi ko talaga maalala na may binanggit siya kung saan kami magkikita.




I waited for few minutes. I texted him again, pero he did not respond. An hour passed, ni anino niya ay di ko nakita. I told myself na maghihintay pa ko for another hour. After an hour, I texted him again na pupunta ako sa mansion, baka sakaling nandun siya.




Tuwang-tuwa sila ate Lia nang makita ako. I asked them kung nasaan si Eli.




"Kakaalis lang, akala ko ay pupuntahan ka." Nagtatakang sambit ni ate Lia.



"May dala-dala pa nga siyang bouquet eh." She added. Linabas ko ang phone at chineck kung nag-reply siya but he didn't.



I thanked them at saka bumalik sa school, nag-hintay pa ko ng ilang minutes, nagbabaka sakaling makita siya. Nang hindi siya dumating, I decided to go home, baka dumeretso siya sa bahay.



"Oh, hindi kayo nagkita ni Elias?" Tanong ni mama. I shook my head.



"Bakit? Nag-away ba kayo?" Nagaalalang tanong niya.



"Hindi nga ma eh, nag-usap naman kami kagabi through call, tapos.."



Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. I was so tired, kagagaling ko lang sa bar. Ilang songs ang pinerform ko, mas marami kesa sa karaniwan. The moment that I went home, binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama. I dialed Eli's number.



Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now