Chapter 37

816 25 2
                                    

Pen's POV


Kasalukuyan akong nakaupo sa couch. 5am pa lang at tulog pa ang lahat. Naisipan kong mag-timpla na lang muna ng swiss miss. Maya-maya, naramdaman kong may yumakap sa likod ko.

"Good morning," He whispered. Napa-ngiti agad ako at saka humarap sakanya. Hinalikan niya ko sa noo.


"How's your sleep?" He asked, saka pumunta sa gilid upang buksan ang cabinet sa taas, kumuha siya ng maliit na baso at nag-timpla ng tea.



"Natulog ng naka-ngiti." Sagot ko, natawa siya ng mahina.


Nang matapos kami dun ay pumunta kami sa couch at nilapag ang dala-dalang baso sa table. Tumayo muna ako at nagpaalam saglit para may kunin sa kwarto ko. Bumaba ako dala-dala ang regalo na binigay nila Aud kahapon.


Kahapon pa talaga ako nacu-curious sa laman nito eh. Iba kasi ang ngiti nila kahapon, hindi ko tuloy maalis sa isip ko.


"What's that?" Tanong ni Eli at saka tumingin sa hawak ko.


"Congratulation gift, galing kila Aud." Sagot ko. Tumango-tango siya at saka ininom na ang tea niya. Binuksan ko na 'yun, may note pa sa loob.


'At dahil may jowa ka na, kailangan mo na 'to. Safety is the best policy!'


"Trust condoms? Strawberry scents.." Pag-basa ko sa nakalagay sa box. Nagulat ako nang biglang umubo ng malakas si Eli. Tinapik-tapik ko siya sa likod.


"W-What's that?" Tanong niya.


"Candy? Strawberry flavored eh.." Sagot ko habang sinusuri ang box.


"D-Doon lang ako," Pamamaalam niya at saka dumeretso sa sink para hugasan ang basong ginamit.


Pagkatapos nun ay nag-ayos na kami para pumasok.


Instead na kay kuya Eman ako sumabay, Eli insisted na sakanya na lang. Si Eldrich naman, hindi sumabay samin, he wanted to be with his mom kaya sa seperate car silang dalawa, sa dina-drive ni kay kuya Eman.


While on our way, hindi mabitawan ni Eli ang kamay ko. Minsan pini-pisil pisil niya. Kulang nalang talaga, aakalain ko na na mas inlove siya sa kamay ko kesa sa'kin. Hmp.


Nang makarating kami sa school, nauna siyang bumaba at pinag-buksan ako ng pinto.


Sobrang daming estudyante sa hallway, as usual, lahat sila nakatingin sa amin. Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Eli ang kamay ko na akala mo'y walang tao sa paligid. Bago kami mag-hiwalay ng daan, hinalikan niya muna ako sa noo.


"Sabay tayo mag-lunch." Sambit niya, tumango ako.

Mabilis na lumipas ang oras, paano'y andaming pinapagawa sa 21st century at gen math, di ko tuloy namalayan ang oras.


From: Eli

I am here at the cafeteria. Order na ko, what do you want?

Napa-ngiti ako.



"Hoy! Ano 'yan?"

Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si Lele sa tabi ko. Nakangisi ito, nangaasar.


Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon