Chapter 29

907 26 8
                                    

Pen's POV

It's been three days since I last attended school. Madaming nangyari, two days din ako sa ospital tapos kahapon, di muna ako pinapasok ni Eli para daw makapagpahinga ako.

Huminga ako ng malalim at inayos ang collar ng uniform ko. Heto nanaman tayo, haharapin ko nanaman ang fansclub ni Eli. Hindi ako sigurado kung aawayin pa rin ba nila ako o ano. Pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang makapasok ako, napansin kong tumitingin sakin ang mga estudyante, judging me as if I did some crime.

Maya-maya, may tatlong babae ang lumapit sa akin. Nakayuko sila.

"Sorry, Penelope." Sambit niya. Kumunot ang noo ko.

"I didn't mean to hurt you. We are so gullible to believe that ridiculous rumor. We're really really sorry." Dugtong niya, tumango-tango naman yung dalawang babae sa tabi niya.

"O-Okay.." Sagot ko at saka ngumiti. Nagpasalamat sila at saka nakangiting umalis. Anong nangyayari?

Sunod-sunod ang narinig ko na sorry habang naglalakad papunta sa room. Nagsosorry sila for believing the false rumor, ibig sabihin ba nito....

"Pen!"

"Aud,"

Niyakap niya ko. "Namiss kita! How are you?" Nagaalalang tanong niya.

"Ayos lang, Aud. Pero nagtataka ako sa kinikilos ng mga estudyante dito. Why are they suddenly apologizing to me?" Nagtatakang tanong ko. Nilabas niya ang phone niya at may pinakita sakin. Nanlaki ang mata ko.

Confirmed: Elias Sullivan's rumor of having a child with a girl named Penelope Ariba is a hoax.

Binasa namin ang article. It was stated there na may nagpakalat lang ng rumor para pabagsakin si Eli. I knew it was ate Bianca who did this. Siguro may narealize siya nung nag-usap sila ni Eli. Napangiti ako.

"Oh ayan na, tapos na!" Nakangiting sambit ni Aud. Tinignan niya ko na para bang nangaasar. "Pero sure ka bang wala kayong relasyon ni Eli?" Tanong niya. Umiling ako.

"Oo naman! Totoo 'yung sinabi ko! I am just his brother's babysitter." Paliwanag ko.

Nang pumasok kami sa room, ganun din ang nangyari. Nagsosorry sila sa'kin for being rude. Mabilis na lumipas ang oras. Break time na, kukunin ko na sana ang bag ko nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Eli

Let's have a lunch together.

Nanlaki ang mata ko.


To: Eli

Eh? Seryoso ba?

From: Eli

Ofcourse. Come on, my treat.

Napaisip ako. Pag sabay kaming naglunch ni Eli, baka magkaroon nanaman ng issue. Kakatapos lang ng issue noon, tapos magkakaroon nanaman ngayon?

"Uy, Pen! Tara na!" Aya sa'kin ni Lele.

Dahan-dahan kong kinuha ang bag ko habang nakatingin pa rin sa phone, iniisip kung ano ang irereply ko kay Eli. Habang naglalakad ako, nauntog ako sa kung sino.

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon