Chapter 33

824 29 16
                                    

Pen's POV

"Pen!" Sigaw ni Pete nang bigla akong tumakbo palayo doon. Medyo may kalayuan ang campus sa stall ng street foods pero natanaw pa rin namin sila, at nang makita kong si Eli at Ms. Abigail 'yun, hindi ko alam pero bigla nalang ako tumakbo palayo, ayokong makitang magkasama sila. Pero wala akong magawa kasi wala naman akong karapatan, kaya ang nagawa ko nalang ay tumakbo.

"Pen!" Tawag ulit niya sa'kin nang madapa ako. Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Sumakay ako ng jeep at dumeretso sa mansion.

Nang makarating ako doon, hinugasan ko muna ang gasgas ko sa braso at saka bumalik sa sala para asikasuhin si baby Eldrich.

"Kuya!" Sigaw ni Eldrich nang bumukas ang pinto. Napa-tingin ako sakanya pero agad na umiwas nang tumingin siya pabalik sa'kin. Umupo siya sa tabi namin ni Eldrich sa couch.

Agad kong kinuha ang mga laruan ni Eldrich na nasa couch at akmang tatayo na para ibalik 'yun sa lagayan nang biglang hawakan ni Eli ang kamay ko.

"What happened to that?" Tanong niyo sabay turo sa gasgas sa braso ko.

"A-Ah wala 'to sir."

"Wait." Sambit niya at saka tumayo at kinuha ang first-aid kit. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang braso ko. Hinipan niya muna ito bago akmang lalagyan ng betadine nang bigla kong bawiin ang kamay ko. Napalakas yata kaya gulat siyang napatingin sa'kin. Umiwas ako.

"S-Sir wala po 'to, okay lang ako." Pagdadahilan ko at saka kinuha na ulit ang mga laruan ni Eldrich. Nang tumayo ako ay hinawakan niya ang kamay ko, may nilagay siya rito. Bandaid.

Pagkatapos nun ay umakyat na ko sa kwarto. Ilang minuto lang akong nakatingin sa kawalan.

Mabilis na lumipas ang araw, sa buong linggo ay pinilit ko ang sarili ko na iwasan si Eli, sa tingin ko, 'yun ang makabubuti para saming dalawa.

Sabado, sobrang lakas ng ulan, dapat day-off ko na pero kagaya last week, may rehearsal kami para sa BGT.

"Grabe ang bilis! Malapit na kaagad 'yung BGT." Sambit ni Gianna. "Pen, may naisip ka na bang kanta?" Tanong niya.

"Hmm, meron na. Pero pinagiisipan ko pa rin." Sagot ko, tumango siya.

Uminom ako ng tubig at nag-vocalization. Maya-maya, bumalik na kami at nagsimula na ulit mag-rehearse.

"Pen," Tawag sa'kin ni Ms. Abigail. "Are you alright? You seem unfocused." Puna niya. Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. "Okay lang po, Miss. Sorry po." Sagot ko.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na rehearsal ay pinag-break muna kami. Pupunta na sana ako sa bench para kunin ang bag ko nang hilahin ako ni Gianna.

"Nagprepare ng pagkain si Ms. Abigail!" Sambit niya. Napatingin ako sa direksyon niya at nakitang nag-didistribute siya ng packed lunch at milktea. Hinila ako ni Gianna papunta doon, umupo kami katabi ang mga co-contestants.

"Today is our last rehearsal. Gusto ko lang kayo pasalamatan for giving me this experience. It was such an honor to be able to witness you all, striving for your dreams. Nakikita ko ang potential sainyo, I know someday, you'll be able to fulfill your dreams." Sambit niya. Napangiti ako, she's very kind. Napaka-down to Earth, at maganda pa. Wala talaga akong laban sakanya.

Maya-maya, nagsimula na kaming kumain. Nakaupo si Eli sa bandang harap ko, katabi naman niya si Gelo, katabi ni Gelo si Ms. Abigail.

"Gelo, ang epal mo dyan!" Sigaw ni Rio, kasama din nila Eli sa SSG.

Tumawa naman si Gelo at saka palipat-lipat na tinignan si Eli at Ms. Abigail. Tumayo siya at saka tinapik ang balikat ni Eli.

"Naalala niyo ba five years ago? Nung in love na in love si Eli kay Abi." Panunukso ni Xander, member din ng SSG.

"Oo, hindi mapaghiwalay yang dalawang 'yan!" Sigaw naman ni Gelo. Nagtawanan sila. Napatingin sa'kin si Eli pero agad akong umiwas.

"Sobrang tamis, dre. Lahat ng babae nun, inggit na inggit kay Abi!" Bulyaw ni Rio.

"Ganun din naman 'yung mga lalaki, inggit na inggit din kay Eli."

Tumawa nalang din ako kunwari.

"Grabe 'no, iba talaga ang first love. Tignan mo, pinagtagpo ulit kayo." Sambit ni Xander. "So ano ng balak mo Eli? Ligawan mo ulit?" Tanong niya pa.

Hindi ko alam pero bigla nalang ako tumayo at saka tumakbo palayo. Just like last time, eto nalang nagawa ko para takasan 'yung sakit, kahit papaano. Alam ko naman kung ano ang isasagot ni Eli, pero ayoko nalang marinig 'yun.

Tumakbo ako palabas ng campus, walang alinlangan akong tumakbo palabas kahit sinalubong ako ng malakas na ulan. Nang medyo nakalayo na, tumigil ako at saka yumuko habang dinadama ang sunod-sunod na patak ng ulan na tumatama sa buong katawan ko. I am soaked, but i'm numb. I can't feel anything but pain.

Maya-maya, naramdaman kong tila tumigil na ang ulan. Pag-angat ko ng ulo ko, nanlaki ang mata ko nang makitang may nag-payong sa'kin. Humarap ako sakanya. Si Eli.

Tumalikod ulit ako at saka tumakbo palayo sakanya.

"Pen!" Tawag niya pero hindi ko siya nilingon. Nang maabutan niya ko ay hinawakan niya ang kamay ko.

"What's the problem?" Tanong niya. Pinilit ko pumiglas sa hawak niya.

"Pen, tell me!" Sambit niya. Nang makawala ako sa hawak niya ay naglakad ulit ako palayo, pero nanatili siyang nakasunod sakin. "Pen, anong problema?" Tanong niya ulit.

"Pen!" Tumaas na ang boses niya. "Tell me what's the problem, Pen! You've been ignoring me these past few days!"

Tuloy pa rin ako sa paglalakad. Napatigil ako nang hawakan niya ko ang braso ko, hinarap niya ko sakanya at tinignan ako sa mga mata.

"I don't understand you, Pen. Please tell me, why are you acting this way?" He asked. Umiwas ako ng tingin.

"Fuck it, Penelope. Tell me!"

"Nagseselos ako!" Sigaw ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Nagseselos ako, Eli. Nagseselos ako kasi mahal kita! Pinilit ko pigilan pero wala eh, ito talaga ang nararamdaman ko. She's back, ano ba namang laban ko sa first love mo. Wala rin akong karapatang mag-selos kasi wala namang tayo. Tanga ko lang kasi umasa ako na kahit papaano, may pagasa na maging tayo." Sambit ko at saka agad na na tumalikod sakanya at naglakad palayo.

Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko at hinarap ako sakanya. Binitawan niya ang payong na hawak at linagay ang isang kamay sa pisngi ko. My eyes widen when his lips met mine.

It was a soft long kiss under the rain. I can feel my tears falling down from my eyes. Nang mag-hiwalay ang labi namin, tinitigan niya ko sa mata habang hawak pa rin ang pisngi ko.

"Mahal din kita, Penelope." He said.

_______________________________________________________

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon