Chapter 39

839 20 3
                                    

Pen's POV


December 30. Kakauwi lang ni Eli, dinalaw niya ko sa bahay a while ago, nagpaalam. Sa London daw kasi siya magce-celebrate ng New Year with his family.


Pumunta kami sa grocery ni Shae para bumili ng iha-handa sa Media Noche.


"Wala ata bebe mo ngayon ah." Sambit niya habang kumukuha ng cart.


"Nagi-impake na 'yun, sa London magce-celebrate." Sagot ko.



"Ay, sayang. First new year niyo sana together."


Pumunta na kami sa supermarket. Habang namimili kami doon, biglang may tumawag sa akin.



"Pen!" Nilingon ko 'yun, si Pete pala. Agad akong kumaway.



"Namimili ka rin para sa media noche?" Tanong niya, dala dala ang cart na punong-puno na. Tumango ako for a yes. Ngumiti siya at saka linipat ang tingin kay Shae.


"Uh, Pete si Shae pala." Pagpapakilala ko kay Shae. Nagkamayan sila. Nagkwentuhan lang kami saglit, maya-maya ay nag-paalam na siya.


Pagkaalis ni Pete ay agad na pinalo ako ng malakas ni Shae.



"Aray!" Reklamo ko at saka akmang hahampasin din siya pabalik.


"Bwiset ka, andaming nakapalibot sa'yong papi." Sambit niya habang naka-pout, natawa naman ako.


"Trip mo?" Tanong ko.



"Well, di hamak na mas gwapo si Elias. Pero, gwapo din naman siya. Saka parang nakita ko na siya somewhere,"


Malamang sa Jollibee niya nakita si Pete.


"Ilalapit kita dun." Sambit ko, agad naman siyang napangiti ng malapad. Hindot din 'tong si Shae e.


"Yey! Libre kita today!" Tuwang-tuwa na sigaw niya.



"Talaga? Sundae?" Tanong ko.



Tinuro niya ang mga box ng cereals. "Ayun oh!"


Napawi ang ngiti ko. May allergy ako sa cereals! Bintukan ko siya at saka nagmadaling naglakad palayo.


"Teka Pen! Joke lang!" Sigaw niya.


Pagkatapos namin mamili, dumaan kami sa Jollibee. Nilibre niya nga ko ng sundae!


Pagkarating ko sa bahay, nagulat ako nang makitang naka-ayos sila mama at ate, mukhang may pupuntahan.


"Saan kayo ma? SM? Bumili na ko ng pang-handa." Sambit ko. Nilabas ni mama ang malaking bag at nag-lagay ng mga damit doon, lalong kumunot ang noo ko.


"Saan ang punta, ma?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin.


"Bilisan mo, mag-impake ka. May pupuntahan tayo." Sambit niya at saka pumasok sa kwarto.


Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now