Chapter 4

1.3K 33 0
                                    

Pen's POV

Kasalukuyan kaming nasa SM para manood ng sine. Naglalakad na kaming tatlo papunta sa sinehan. Pero...

Nasa harap ko silang dalawa, at naka-mask ako. Di kami sabay na pumasok sa loob, nauna sila. Naghintay ako ng five minutes bago pumasok sa loob, hinanap ko sila.

"Sir Eli, i'm here na!" Pabulong na sigaw ko, tumabi ako sakanya. Nakatitig lang siya sa'kin. Binigyan ko siya ng 'bakit-nakatitig-ka-sakin-look'. Siguro nagandahan siya sa'kin hihi.

Tumingin din siya sa upuan katabi ni Eldrich tas tumingin ulit sa'kin. Para bang sinasabi niya na dun ako umupo. Napakamot nalang ako sa ulo at saka lumipat ng upuan.

"Are you excited?" Tanong ko kay baby Eldrich.

"Yes! I can't wait!" Pasigaw na sagot niya.

"How about you, Sir?" Tanong ko naman kay Eli. Di siya sumagot, nakafocus lang siya sa phone niya, may binabasa yata.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa screen, maya-maya, nagsimula na yung movie. Maganda naman yung movie, hanggang sa doon na si scene kung saan namatay si Mufasa. Nung una pinipigil ko ang iyak ko hanggang sa napahagulgol na ako. Napatingin sa'kin yung mga tao pero wala akong pake, nakakaiyak yung scene eh!

Nang matapos na ang movie ay agad na tumayo si Eli habang hawak hawak sa kamay si Eldrich.

"Sir teka lang!" Sigaw ko dahil mabilis ang lakad ni Eli. Binilisan ko rin ang lakad ko para maabutan sila, nung malapit na ako sakanya ay bigla siyang huminto kaya nauntog ako sa likod niya.

"Stay....away." Sambit niya at saka nagsimula na ulit sa paglalakad. Naiwan akong nakatayo dun.

Naglakad nalang ako ng mabagal habang sinusundan sila. Akala ko moment ko na para makausap si Eli pero as usual naman, allergic pa rin siya sa tao at 0% chance pa rin na makausap ko siya.

Maya-maya, may narinig akong kantahan. Mukhang may mallshow, napalingon ako doon, may nagpeperform na banda. Nalingat ang atensyon ko dun, nang maalala kong sinusundan ko pala sila Eli ay tumingin na ulit ako sa harap, pero wala na sila. Nagmadali akong naglakad hanggang sa makarating ako sa exit, naabutan ko sila na nakasakay sa kotse.

"Sir!" Sigaw ko pero agad niya itong pinaandar.

Paano na ako uuwi nito? Kinapa ko ang bulsa ko at may nakuha akong bente. Mabuti nalang di ko pa to nilabhan kaya andito pa rin yung sukli ko kahapon.

Naghanap na ako ng jeep at pumunta sa mansion. Pagkarating ko ay binagsak ko ang katawan ko sa sofa.

"Hey, I want milk!" Biglang sambit ni baby Eldrich habang tinatapik ako.

"Wait lang, baby. Pagtitimpla kita maya-maya..."

"I want it now!"

Nakapikit akong bumangon, binukas ko lang ng kaunti ang mata ko habang naglalakad papunta sa kitchen. Habang nagtitimpla ako ng gatas ay di ko namalayan na nauntog na pala ako. Wala ako sa sariling napahiga sa sahig at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Pag-gising ko, nagulat ako nang matagpuan ang sarili ko sa bahay namin. Paano ako nakauwi? Eh kagabi lang nasa mansion ako ng mga Sullivan.

Bumangon ako at sinilip ang labas, umaga na. Maya-maya ay may kumatok. Linuwa ng pintong iyon si ma'am Ana.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Po? Bakit po? Ano po bang nangyari?" Tanong ko naman.

"Nahimatay ka raw kagabi, tapos chineck ka namin, mataas ang lagnat mo." Paliwanag niya.

"Okay na po ako." Sagot ko.

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now