Chapter 22

1.1K 30 2
                                    

Pen's POV

"Totoo bang may something kayo ni Eli at anak niyo si Eldrich?" Tanong ulit ni Aud.

"Ano? San naman galing 'yan?" Tanong ko. Pinakita niya sa'kin yung article sa newspaper.

'Elias Sullivan, may karelasyon at anak na?'

Binasa ko 'yun. Ilang araw na nilang blind item si Eli pero ngayon na may proofs na sila, nilabas na nila yun sa dyaryo. Yung pictures namin nila Eli at baby Eldrich nung nasa park kami, yung picture namin ni Eli sa storage room, theater, at marami pang iba. May naglabas pa ng statement na kesyo siya daw mismo ang doctor ko nung pinagbubuntis ko si baby Eldrich at ayon sakanya, palagi ko daw kasama si Eli tuwing pumupunta ako sa ospital at nung araw na nanganak ako.

Nabitawan ko ang dyaryo sa pagkabigla.

"So ano, totoo ba?" Tanong ni Aud.

"H-Hindi, Aud. Hindi ko alam kung san galing yang article na 'yan pero hindi yan totoo!" Sigaw ko. Tumingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin sa'kin, nagbubulungan. Parang pinapatay na nila ako gamit ang mga mata nila. Natatakot ako.

Akmang maglalakad na ako palayo nang harangin ako ng apat na babae.

"Where the hell are you going?!" Tanong nung babaeng naka-crop top.

"You're a slut. Pokpok ka!" Sigaw naman nung naka-off shoulder.

"How dare you touch my Elias?! Hindi namin papalagpasin 'to, we will punish you!" Banta nung naka-denim. Akmang sasampalin niya na ako, pumikit ako. Hinihintay ko na lumapat sa pisngi ko 'yung kamay niya pero wala akong naramdaman. Iminulat ko ang mata ko. Likod ng isang pamilyar na lalaki ang nakita ko.

"Subukan mo!" Sigaw nito. Inirapan siya ng mga babae at saka tumingin sa'kin.

"We're not yet done with you, slut!" Sigaw nung naka-dress bago sila umalis. Napa-hinga ako ng malalim. Humarap siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Pete..." Bulong ko, biglang tumulo ang luha mula sa mata ko. "Natatakot ako." Sambit ko pa. Niyakap niya ko.

Hinatid niya ko hanggang sa labas ng gate. Matalim pa rin ang tingin ng mga estudyante. Nang makaalis na si Pete, nilabas ko ang phone ko.

4 missed calls from Eli.

May alam kaya siya sa mga nangyayari?

Tinext ko na si kuya Eman para makauwi na ko sa mansion. Pagdating ko, nakarinig ako ng malakas na sigaw. Umakyat ako para hanapin 'yun. Napatigil ako sa tapat ng kwarto ni Eli.

"Fuck, Elias! Ano 'to?! Balak mo bang sirain ang pangalan mo?" Sigaw ng lalaki na di ko alam kung sino.

"Answer me! Ano 'to?!" Tanong niya ulit.

"It's just a rumor." Chill na sagot ni Eli.

"Just a rumor? May statement pa yung doctor! This ain't just a rumor Elias!"

"I told you already, it's just a silly rumor. I don't have time for that, may exams pa ko." Sambit ni Eli.

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now