Chapter 7

1.1K 27 2
                                    

Pen's POV

"Paano kung akin 'yun?" Tanong ko.

Kunot noo siyang nakatingin sa'kin habang seryoso naman akong nakatingin sakanya.

"Joke lang! Syempre boses niya 'yun! Alangan namang mag-lipsync siya diba?" Sambit ko. Binalik niya ang tingin sa laptop niya.

"Saka sintunado kaya ako!" Dugtong ko pa at saka kumanta na kunwaring sintunado.

"Stop, you're ruining my eardrums." Sambit niya, tumayo na siya.

"Hey, the movie is almost over, maybe I can go back to my room?" Tanong niya kay baby Eldrich, tumango naman ito. Hinalikan niya muna ito sa ulo bago umakyat.

Pagkatapos namin manood, pinakain ko na si baby Eldrich.

"Baby, can I ask you something?" Tanong ko. Tumango siya.

"Do you know ate Abi?" Tanong ko ulit.

"Ate Abi?" Nagtatakang tanong niya.

Ano ba 'yan, that was five years ago, three years old palang si baby Eldrich. Impossible na kilala niya.

"Ah! Ate Abi! I know her!" Sigaw niya.

"Who is she?"

"Kuya's pet." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.

"But she died..." Malungkot niya pang sabi.

"Pet? A cat? A dog?" Tanong ko.

"Yes, a dog!"

So pinangalanan niyang Abi 'yung aso niya, malaking parte nga ng buhay niya si Abi.

_____

Kasalukuyan akong nasa school, nakikipagkwentuhan kasama ang mga new-found friends ko.

"Ang cute kapag dino-doble yung first syllable ng names diba? Pwedeng maging nicknames. Gaya nung kay Lea, pag dinoble magiging Lele, tapos sa'kin Mimi." Sambit ni Michelle.

"Eh paano naman kay Audrey, edi Au-aud?" Pagbibiro ni Lele. Natawa kaming lahat.

"Sa'kin naman Jojo! Odiba cool pa rin!" Singit ni Jonathan.

"Eh sa akin?" Tanong ko, napatingin silang lahat at saka sabay sabay na tumawa.

"Tama na tama na, wag na pala kawawa naman ni Pen eh." Sambit ni Aud. Natawa ulit sila.

"Eh! Gusto ko rin!" Pagpupumilit ko.

Tumayo na sila at dumeretso sa room, napa-pout nalang ako. Ano bang mali sa pangalan ko?

Pagkatapos ng madugong Statistics ay nag-break time na.

"Hoy, Pen!" Tawag ni Aud sa'kin.

"Galing ako sa labas at di ka maniniwala sa nakita ko!" Hinihingal na sambit niya.

"Ha? Bakit? Ano 'yun?" Tanong ko. Hinila niya ako palabas ng room at dinala sa fourth floor.

Kumpulan ng mga estudyante ang naabutan namin. Tinry namin sumingit para makita kung anong pinagkakaguluhan nila. Nang makita ko 'yun, parang may kumurot sa puso ko.

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now