Chapter 28

877 24 7
                                    

Bianca's POV

"Elias," Gulat na sambit ko nang makita ko siya sa tapat ng pinto. Mukhang narinig niya lahat ng sinabi ko. Maya-maya, hinila niya ko.

"Ano ba? Bitawan mo ko!" Sigaw ko pero hawak niya ko sa pulso, malakas siya. Nang makahanap siya ng lugar kung saan walang tao ay binitawan niya na ko.

"How can you do that to Eldrich and Penelope?" Panimulang tanong niya.

"Narinig mo naman diba? Nadamay lang sila, pero hindi ko naman tinuloy. At saka bakit parang mas galit ka pa? Ang galing ah!" Natatawang sambit ko. Napa-buntong hininga siya at saka umupo habang nakayuko.

"I can take all the blame, Bianca. Just don't touch them. It wasn't their fault, wag mo silang idamay." Pakiusap ko.

"Di rin naman kasalanan ng nanay ko kung bakit naging miserable ka noon ah? Bakit mo siya dinamay?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim.

"Alam mo ba kung gaano ka kamahal ng nanay ko? Mas binibilhan ka pa nga nun ng regalo eh kasi daw malungkot ka, gusto niyang pagaanin ang loob mo. Pero okay lang sa'kin yun kasi akala noon kaya malapit ang loob sa'yo ni nanay kasi ganun ka din sakanya. Masaya pa rin ako dahil may nagmamahal kay nanay. Pero mali pala ako, pagkatapos ng lahat, nagawa mo 'yun sakanya. Anong klaseng tao ka?" Tanong ko, nanginginig ang boses ko sa inis.

"I'm sorry.." Bulong niya. Natawa ako.

"Sorry? Himala ah, marunong ka pala magsabi nun? Bakit ngayon ko lang narinig? Ilang taon ng patay ang nanay ko oh. Siguro kung dati mo pa sinabi yan, baka nabawasan ang galit ko sa'yo, baka nabawasan kahit kaunti. Pero huli ka na."

Natahimik siya.

"At saka talaga bang nagsosorry ka? Sa tingin mo ba maniniwala pa kong pinagsisisihan mo ang ginawa mo? Pagkatapos mamatay ng nanay ko, ilang taon lang, masaya ka na ulit. Habang ako, miserable pa rin. Walang bakas sa'yo ng pagkalugmok. Kaya ayoko makita kang masaya, pagkatapos ng ginawa mo sa nanay ko, deserve mong bumagsak. Dapat ako naman yung umangat kasi buong buhay ko bagsak na bagsak na ko eh. Kinuha na sakin lahat, tatay ko, nanay ko. Tapos ikaw pa rin yung masaya at may magandang buhay?"

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon