Chapter 24

1.4K 42 14
                                    

Pen's POV

Maaga akong gumising para makapag-rehearse. Habang nagwa-warm up ako, biglang may kumatok sa pinto.

Tumayo ako at binuksan 'yun, nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino 'yun.

"S-Sir.." Bulong ko. Pumasok siya at sinarado ang pinto, tulala pa rin ako. Paano'y wala siyang suot na pang-taas tapos naka-boxer shorts lang. Fuck!

"Ahhh, much better." Sambit niya habang nakahiga sa kama.

"S-Sir anong g-ginagawa niyo?" Tanong ko. Tumingin siya sa'kin at saka nag-sign na tumabi ako sakanya. Nagsalubong ang kilay ko. Maya-maya, tumayo siya at hinila ako pa-higa sa tabi niya.

dug dug dug

"For the first time, I found a place better than my room." Bulong niya.

"A-Ano po 'yun?" Tanong ko. Ngumiti siya.

"In your arms, by your side." Sambit niya. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko.

"Are you rehearsing?" Biglang tanong niya. Tumango ako.

"Tuloy mo, I will listen."

"Eh sir.."

Pumikit siya. "I am waiting." Tugon niya pa.

Umubo ako at saka nag-warm up ulit. Pagkatapos kong mag-warm up, nagsimula na akong kumanta. Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Tuloy mo lang.." Bulong niya.

Tinuloy ko ang pag-kanta habang naka-tingin sa mukha niya. I feel like the more I look at him, the more I fall for him. There's no way out, there's no turning back. I'm falling harder and harder.

Napatigil kami pareho nang biglang mag-alarm yung phone ko. 5am na, it means kailangan na naming kumilos kasi papasok pa kami.

Tatayo na sana ako nang hilahin ako ni Eli pabalik.

"Five minutes." Sambit niya habang nakapikit pa rin.

"Sir, baka malate tayo.."

"Five more minutes please?"

Huminga ako ng malalim at humiga sa tabi niya. Magkaharap kami, nakatitig ako sa mukha niya habang nakapikit naman siya at nakahawak sa bewang ko. Napangiti ako habang nakatitig sa mukha niya, di ako makapaniwala na ganito ako kalapit kay Eli. Parang panaginip lang.

Nanlaki ang mata ko nang dumilat siya.

"Tara na sir? Five minutes na oh!" Sambit ko. Nakatitig pa rin siya sa'kin, maya-maya, ngumiti siya.

"If only I can stop the time so that we can just stay like this.." Bulong niya. Hinawi niya ang buhok ko at akmang ilalapat ang labi niya sa labi ko nang biglang may kumatok. Nanlaki ang mata ko kaya naitulak ko siya dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.

Maya-maya, biglang bumukas ang pinto.

"Pen ano 'yun?" Nagtatakang tanong ni ate Lia. Napalunok ako.

"A-Ah wala ate n-nahulog lang yung libro k-ko.." Palusot ko, mukhang naniwala naman siya.

"Bumaba ka na maya-maya, hinihintay ka ng alaga mo." Sambit niya at saka sinarado na ang pinto.

Serendipity [ Eli and Pen ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu