Chapter 10

1.1K 23 3
                                    

Pen's POV

Kinabukasan, nagising ako na aligaga ang lahat.

"Pen, tumulong ka nga rito!" Sigaw ni ate Mel, isa sa mga maids. Lumapit ako sakanya.

"Ano pong meron?" Tanong ko.

"Birthday ni ma'am Ana ngayon!" Sagot naman ni ate Lia.

Tumulong na rin ako sa pagaayos at pagluluto. Maya-maya, namalayan kong 5am na pala kaya dali dali akong naligo at nagprepare na para pumasok.

Pagkatapos, bumaba na ako. Nagtaka ako nang makitang nakapambahay si baby Eldrich.

"Bat di ka pa nagbibihis, baby?" Tanong ko.

"The class has been suspended a while ago. I thought my aunt gave you a phone?" Tanong ni Eli habang nakafocus sa binabasa niyang libro. Napakamot ako sa ulo ko. Nakabihis na ko at lahat tapos suspended pala ang klase!

Nagpalit na ako ng uniform na pang-nanny at saka bumaba.

"Ate Pen!" Tawag sa'kin ni baby Eldrich.

"Hi, baby!" Sambit ko sabay tingin kay Eli, napatingin din siya pero agad na umiwas.

"You wanna watch a movie?" Tanong ko. Tumango siya for a yes. Uupo na sana ako nang tawagin ako ni ate Mel.

"Pen! Tulungan mo ko dito!" Sigaw niya.

"Opo, ate eto na!" Sigaw ko naman sabay tayo at punta sa kusina.

"Ikaw na tumapos niyan ah, aayusin ko lang 'yung lamesa." Sambit niya, naiwan kaming dalawa ni ate Bianca sa kusina.

"Ano 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa niluluto niya.

"Chicken curry." Sagot niya.

"Mukhang masarap ah! Patikim naman!"

Tumango siya, kumuha ako ng kutsarita at tinikman iyon.

"Wow, ang sarap nga ate Bianca! Ang galing mo pala talaga magluto!" Sambit ko, napangiti naman siya.

"Siguro nagmana ka sa mama mo! Ako kasi nagmana din ako kay mama eh, namana ko 'yung boses niya!" Dugtong ko pa. Napatigil sa paghahalo si ate Bianca. Napatingin ako sakanya.

"Ate, bakit?" Tanong ko pero di siya sumagot. Tinakpan niya na 'yung kaldero at saka pumunta sa dinning para tulungan si ate Mel.

Maya-maya, may naamoy akong kakaiba. Mabango, parang kaamoy ni....

"Sir Eli?"

Lumapit siya sa'kin. Nabitawan ko tuloy yung sandok. Lumapit pa siya ng lumapit hanggang mauntog ang likod ko sa pader. Teka, nangyari na 'to ah...

Pero sa halip na magsalita, nilapit niya ang mukha niya sakin. Tinaas niya ang kamay niya at akmang hahawakan ang mukha ko pero.....lumagpas.

Kumuha siya ng baso at tumalikod na sa akin. Nakahinga ang ng maluwag. Shet, what was that?

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now