Chapter 23

1K 30 1
                                    

Pen's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang may tumulak sa akin, sa lakas nito ay natumba ako.

"Serves you right, slut!" Sambit ng grupo ng mga babae na humarang din sa'kin nung nakaraan, pero mas marami na sila ngayon.

Pinilit kong tumayo. Akmang maglalakad na ko palayo nang may humila sa buhok ko.

"Saan mo balak pumunta?" Pananakot niya. Nagsimula na akong kabahan.

"Pokpok ka! Malandi!" Kutya nila sa'kin habang tinutulak-tulak ako.

"Ilang taon ka lang ba nung nagpa-buntis ka kay Elias? Trese?" Natatawang tanong niya.

"Malamang one night stand 'yun. Di ka naman papatulan ni Elias eh!" Dugtong pa niya. Nagsimula na akong maiyak.

"Siguro nagtatrabaho ka sa bar, inakit mo si Elias tapos ngayon hinahabol mo siya. Such a desperate slut!"

"Tama na.." Bulong ko.

"I pity your parents, isipin mo 'yun, may anak silang malandi..."

Pumikit ako at inipon lahat ng lakas ng loob ko.

"Walang kami ni Elias at wala rin kaming anak! I am just his brother's babysitter!" Sigaw ko, napatigil sila.

"Nice try, but you can't fool us. Alam namin na di na tinuloy ng mga Sullivans ang paghi-hire ng babysitter, nag-stick sila sa dating babysitter ni Eldrich which is Bianca." Sambit nung isa.

"Nagsasabi ako ng totoo, babysitt----"

Pinutol nila ang sasabihin ko.

"Di mo na matatakasan 'to, slut. You'll definitely pay for this!" Pagbabanta niya.

"Hoy!" Biglang sigaw ng pamilyar na boses.

Maya-maya, nagtaasan ang kilay ng mga babaeng nasa harap ko.

"Look who's here. Audrey ikaw pala 'yan, you still look pathetic as ever." Mataray na sambit nung isang babae.

"Wala ka ring pinagkaiba sa'kin, Venisse. You're also one of those pathetic admirers who tried to confess their feelings to Elias but ended up being rejected. Ang pinagkaiba lang natin, ako naka-get over na. Ikaw, head over heels pa rin. So who's more pathetic?" Sambit ni Aud.

"How dare you?!"

Akmang sasabunutan na ni Venisse si Aud nang pigilan siya ni Pete. May kasama din siyang dalawang lalaki.

"Di pa ko tapos sainyong dalawa!" Inis na sambit nito bago sila umalis.

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now