Chapter 13

1K 31 5
                                    

Pen's POV

"Pen! Tara!" Aya ni Aud. Napatigil ako sa pag-kain nang hilahin niya ko.

"Ano ba 'yun?" Nagtatakang tanong ko habang ngumunguya pa.

"May kumpulan dun oh!" Sagot niya.

Sumingit kami sa kumpulan. Nang mabasa namin ang nakalagay sa poster, nanlaki ang mata ko at kumabog ang dibdib ko.

Pagkatapos namin dun, bumalik na kami sa room. Napatitig ako sa pisara habang lumilipad ang utak ko.

"Ready ka na ba?" Tanong ni Aud. Napatingin ako sakanya.

"Uh yung totoo? Hindi." Sagot ko.

"Well, you should. Na-move na 'yung auditions sa Friday. Ilang days nalang oh."

"Aud, atras kaya ko?" Nagaalangan na tanong ko. Sinamaan niya ko ng tingin.

"Naku, Pen ah. Wala ng atrasan! Show em what you got!" Sigaw niya. Napatingin yung mga classmates namin, napa-peace sign tuloy siya.

"Pero nabasa ko dun sa poster, Blind Auditions daw para sa mga kakanta?"

"Siguro dahil may favoritism yung ibang profs na judge. Pag maganda, pasok ka kaagad. Pag chaka, ligwak!" Sagot niya.

Mabilis na natapos ang araw, dismissal time na. Nauna ako dumating sa mansion. Magpapalit na sana ako ng uniform nang mag-ring ang phone ko.

Shae calling...

Sinagot ko iyon.

"Pen!" Pasigaw na tawag niya sa akin.

"Oh Shae, bat napatawag ka?" Tanong ko.

"Bilisan mo Pen, pumunta ka na dito. Nasa ospital ang mama mo!"

Pagkarinig ko nun, nagmadali akong lumabas ng mansion at dumeretso sa Ospital kung saan dinala si mama.

_____

Nakatulog ako habang hawak ang kamay ni mama. Maya-maya, nagising ako. Naabutan ko siyang umiiyak.

"Ma..." Bulong ko.

"Anong nararamdaman mo, ma? May masakit sa'yo?" Tanong ko. Di siya sumagot, nanatili siyang nakatitig sa akin habang tumutulo ang mga luha mula sa mata niya.


"Sabi ko naman sa'yo ma eh, ako na ang magtatrabaho. Di mo naman po kailangang pagurin ang sarili mo, alam mo naman ang kalagayan mo diba? Hindi ka dapat nagpapaka-pagod." Sambit ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Serendipity [ Eli and Pen ]Where stories live. Discover now