Chapter 12

1.1K 27 0
                                    

Pen's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising. Siguro dahil na rin sa excitement. First time kong maranasan 'to kasi sa school namin dati, walang mga ganito. Public school lang kasi.

Nag-ayos na ko ng gamit tapos bumaba. Nilapitan ako ni ate Mel.

"Pen, eto oh. Baunin mo baka magutom ka doon." Sambit niya sabay abot sa'kin ng kanin at ulam na nakalagay sa tupperware. Napangiti ako.

"Salamat ate!"

Sa ilang linggo ko dito, napalapit na ko kila ate Mel, ate Lia at kuya Eman. Si ate Mel, para ko na siyang mama, si kuya Eman naman para kong tito at si ate Lia parang ate ko na.

"Ingat kayo ah!" Pahabol niya pa at saka bumalik sa kusina.

Umupo na ako sa sofa at hinintay sina Eli at baby Eldrich.

"Good morning ate Pen!" Sigaw ni baby Eldrich habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Oh mukhang maganda gising mo ngayon ah!" Puna ko, ngumiti siya ng malapad. Tumingin naman ako kay Eli at bahagyang nakangiti rin ito.

Lumabas na kami ng mansion, sumakay na sila sa kotse na dinadrive ni kuya Robert habang ako naman, sa kotse na dinadrive ni kuya Eman. Pumunta na kami sa school. Nagdasal muna ako, hiniling na sana bantayan niya kaming tatlo at saka na rin si mama at ate.

"Andito na tayo, Pen. Ingat kayo!" Sambit ni kuya Eman.

"Salamat, kuya!"

Bumaba na ako at hinanap ang bus number ko.

"Pen! Sa wakas dumating ka na!" Sigaw ni Aud nang makasakay na ako sa bus. Tinabihan ko siya. Pinakita niya sa'kin yung mga baon niyang snacks.

"Ikaw, anong mga baon mo?" Tanong niya.

Linabas ko yung dalawang balot ng dragon seeds tapos sundot kulangot na nabili ko sa labas.

"Weird." Tanging nasambit niya.

Nang makumpleto na ang lahat, umandar na ang bus. Inabot lang ng mahigit isang oras ang byahe.

"Amor Retorcido! It means twisted love. This newly opened museum is owned by dear alumni, Macky Lucerio! This museum exhibits paintings, vases and figures that depicts twisted love, bizarre love, unique form of love." Sambit ng prof sa History.

Tinignan namin 'yung mga paintings na nakasabit sa dingding. Ang cool lang kasi abstract siya pero kung tititigan mo, may makikita kang images. Yung mga vases naman, ang classic ng designs niya. Ang gaganda!

"Oops, bawal hawakan." Paalala niya sa amin.

Habang linilibot namin 'yung museum, di rin maiwasan ng mata ko ang lumibot para hanapin ang pinakamaganda artwork, si Eli.

Hinanap ko 'yung mga 3rd year, pero di ko siya makita. Hanggang sa maaninag ko ang buhok niya.

"Ayun!" Sigaw ko, napatingin sila sa'kin. Napatakip tuloy ako sa bibig ko.

Tinitigan ko na si Eli. Napakagwapo niya sa uniform niya. Nakataas yung buhok niya tapos bagay na bagay talaga sakanya yung salamin niya. Mas lalo siya nagmukhang matalino. Tapos nakakabighani din yung tangkad niya, yung figure niya, very manly.

"Hoy!" Sigaw ni Aud. Narealize ko na nakalayo na pala yung mga tao sa harap ko. Shet!

Pagkatapos namin libutin yung buong first floor, hinayaan muna nila kami na mag-picture. Nagpicture lang kami saglit tas pinuntahan ko na si baby Eldrich. Nakaupo siya sa bench kasama si ate Bianca.

Serendipity [ Eli and Pen ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant