Chapter 17

1.1K 28 12
                                    

Pen's POV

Kinabukasan, sa halip na umuwi, nag-ayos muna ako para sa not-a-date-day namin ni Eli. Pagkatapos kong maligo, bumaba ako para mag-almusal nang makasalubong ko siya.

"Sir, goodmorning!" Bati ko sakanya.

"Pen, sorry. I had to go to the studio. Next time nalang." Sambit niya at saka nagmadaling umalis. Napa-simagot ako.

Bumalik na ko sa kwarto at inayos ang gamit ko. Hinatid ako ni kuya Eman sa bahay.

"Thank you, kuya." Sambit ko.

Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko si mama na nagbabalot ng pansit.

"Ma naman diba sinabi---" Magrereklamo pa sana ako nang putulin niya ang sasabihin ko.

"Di ako maglalako sa labas."

Kumunot ang noo ko.

"Eh para san po 'yan?"

"Para sa mga customers ko, umo-order sila sa akin kaya naisipan ko magtayo ng tindahan." Sagot niya sabay turo sa karatula sa harap ng bahay.

"PP Pansit?" Tanong ko.

"PP, Phoebe Penelope." Sagot niya. Natawa naman ako. Ang ganda pakinggan ah, PP Pansit. HAHAHA.

Pagkatapos kong ibigay ang pasalubong ko kay ate at iabot kay mama ang sweldo ko, pumunta na ako kila Shae.

"Not-a-date-day? Ano 'yun?" Nagtatakang tanong niya.

"Manonood daw kami sa theater na kaming dalawa lang pero di daw date yun.." Sagot ko.

"Eh ganun na rin 'yun eh. Date na rin 'yun!"

Nanlaki ang mata ko.

"Talaga?"

Tumango siya for a yes.

"Kaya dapat maganda ka talaga. First date niyo ng superstar na si Elias Sullivan. Kung ako sa'yo, maggo-gown talaga ko!" Sambit niya na ikinatawa ko.

"Pero syempre iba ka naman, kaya eto. Suotin mo 'to!" Dugtong niya pa sabay abot sa'kin ng isang pulang dress.

Pagkadating ko sa bahay, naisipan kong itext si Eli.

To: Eli

Hi, Sir. Tuloy po ba date natin bukas?

Mga ilang minuto lang, nag-reply na siya.

From: Eli

Nope, and it's not a date.

To: Eli

How about sa monday?

From: Eli

Serendipity [ Eli and Pen ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon