Chapter 1

9.2K 177 19
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV






"Rain!! Good news!" Halos humangos ang manager ko papunta dito sa loob ng office niya,ang laki ng ngiti kala mo nanalo sa lotto.





"Anu yun manager?! May bagong raket ba?"
I asked excitedly na medyo bumilog pa mga mata ko.





"Good news nga!" Taas-baba pa ang kilay ni manager,at ang lapad ng ngiti infairness naman,"Makakasama ka lang naman sa isang teleserye, at take note hindi ka lang extra dito"



"Talaga manager?! Di nga?" I skeptically look at her, and slightly raised my brow "baka naman.." tumayo ako at umakting sa harapan niya "dadaan lang ako kunwari tapos wala nanaman akong sasabihin, tapos sasabihin ng director cut!tapos na ang eksena."





"Gaga, hindi!"sabay tawa ng manager ko na halos 19years din ang agwat sakin pero parang mga kapatid lang ang mga turing saming mga talents niya.





"Hmmm. o baka naman may script nga ako, pero sasabihin ko lang 'accckkk'!" inakting ko pa talaga sa harap niya "Dahil isa lang ako sa kunwari mapapatay ng sindikato sa pelikula?o baka naman kunwari isa nanaman akong tindera sa quiapo?oh di kaya magpapanggap akong adik sa kanto?tapos end of contract—-"


"Pwede ba patapusin mo Muna kasi akong magsalita?"inis na tugon niya "Edi kung ayaw mo! Edi wag, bigay ko nalang kay ellaine to.." at nagkunwaring aalis na yung manager ko.





Niyakap ko siya, "joke lang manager.. hindi ka naman mabiro.." sabay lambing ko sa manager ko, mahirap na baka maging bato pa. Ahha





"May gagawin kasing bagong teleserye ang
'MS works', gusto ka nilang kunin bilang best friend ng bida,its a comedy-love story daw.. and the rest ng story malalaman natin sa meetings na gaganapin kasama ng mga artistang makakasama mo."sabay wiggle ng kilay ng manager ko.





"Edi ibig sabihin hindi na ako extra lang? Magiging extra special na ako sa story?! Talaga?!"



"Oo nga! Gusto mo ulit-ulitin pa?" pinandilatan pa ako ng mata ni manager. Nainis na ata.





"Eh sino naman ang leading man ko?! Si piolo ba? Si sam? Si jake? Si rogelio? O baka naman si long mejia pala? Pero ok lang basta mag ka exposure"sabay ngiti ko ng maluwag na parang nagde-daydream,




sino bang hindi? This is a dream come
True kaya!





"Huwag munang feelingera ha! Bff kuno kalang dito, hindi ikaw ang bida, ok?!"aba't! Inirapan pa ako ni manager, pero
Saglit lang at nagbago ulit ng emosyon  "si 'miss Natasha' lang naman ang magiging bestfriend mo kunwari" saka ngumiti at nag wiggle pa ng kilay.



"Whatt?!Nagbibiro kaba manager? Miss Natasha? As in Natasha Simeon?! Isang super sikat na celebrity makakasama ko sa teleserye? Na magiging best friend ko?"namilog pa talaga ang mga mata ko, dahil hindi nga ako makapaniwalala, "issha prank ba to?"





"Sira! Prank ka diyan!"sabay irap "umayos ka
Rain ah! Saka ito na yung chance mo, dahil mga bibigating celebrities ang makaksama mo, kaya give your best shot ok? Ito na ang chance mo na matupad lahat ng pangarap mo, at malaking company ito,maraming exposures." She took
A deep Breath at kinalma narin ang sarili "so next week, may meeting tayo with them kaya be ready ok?"

I excitedly nodded, na parang headbangers lang, ang OA lang diba?

******



To love a star  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon