Chapter 16

2.1K 92 2
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV




2 months 16days,




2 months 16days na simula nang magkahiwalay kami ni Natasha,.


Napaka-plastik ko naman kung sasabihin kong, hindi parin ako nasasaktan hangga ngayon.



May part parin sakin na namimiss ko parin talaga siya.

Kahit magpaka busy pa ako sa trabaho ko. Madalas naiisip ko parin siya, lalo na kapag mag-isa nalang ako.


At pwede ba guys hintayin nyo namang mag 1 year para sa anniversary ng pagluluksa ng puso ko.


Baka that time e talagang move on na ako.

Sana..


Pero minsan napapaisip din ako, kung talagang may katiting, kahit sobrang katiting na pagmamahal.


Hindi. Hindi.. wala naman nun eh.



Kahit konting concerned parin siya sakin, mag eeffort parin siyang suyuin, o kahit man lang yung simpleng text na 'sorry' siya sa akin diba?.


Pero wala kahit ano eh, Parang wala man nangyari, Kasi nakikita ko naman siya sa mga interviews niya, parang very happy naman siya kausap,

So it means na wala lang talaga sakanya yung mga nangyari, hindi naman niya mukhang dinibdib yung mga nangyari samin. Haha, asa pa ako noh.

Ako paba dapat ang kailangan mag adjust para sa kanya?

Bakit?


Siya ba itong naagrabyado?

Binigay ko naman ng buo ang puso ko at sarili ko
Sakanya eh, kaso talagang sobrang kumulang ata.

Dahil hindi ko nahigitan, yung kung anuman ang meron si Nikki, na kung bakit hangga ngayon si Nikki parin ang laman ng puso niya, Kahit sa una palang alam na niya kung saan lang yung lugar niya.


Tulad ko lang siya diba?SHUNGA, dakilang tanga,

Edi damay-damay nalang sa ka-shunga-an!


Hayy, pero ok lang malapit narin naman maapprove yung modeling workshop ko sa New York, pinaprocess na kasi yung mga papers ko, sabi kasi ni Dani after 3 months kapag nasanay daw ako dun pwede daw niya akong irecommend sa mga ibat-ibang company sa new york,o sosyal dun.


Malay mo naman dun lang pala naghihintay yung tadhana ko? Yung taong bubuo ng pagkatao ko
At maghihilom ng nawasak kong puso!


Oh diba ang OA ng drama ko.



"Oi Rain, Rain!" Sabay tapik sakin ni ate Ellaine na nagpabalik sa akin sa realidad, napatingin lang ako sakanya ng walang expression kong mukha "ok kalang? Napapansin ko kasi lately parang lagi kang nawawala sa sarili mo ah?, minsan na nga lang tayo magkita-kita, panay pa tingin mo sa malayo o kung hindi naman nagkukulong ka sa kwarto mo?mag tapat ka nga Rain, may sinisikreto kana ba samin?"alalang tanong niya.


Pinagpawisan ako ng malagkit, aamin ba ako? Para naman mabawasan yung sakit sa dibdib ko? Oh sosolohin ko nalang talaga at ibabaon na lang sa lupa yung sikreto ko?.



"Ha? Ate ellaine, anu bang pinagsasabi mo?"
Maang kong tanong.


"Rain.." naging seryoso mukha ni ate ellaine at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"nagda-drugs kaba?!"


To love a star  Där berättelser lever. Upptäck nu