Chapter 13

2.1K 92 16
                                    

Natasha "nati" Simeon Pov




"Oh akala ko ba gusto mong makilala buong pagkatao ko? Yung totoo sakin?so bakit ganyan palang selos at galit kana? Chill kalang ok?oh!dito na pala tayo" sinenyasan ko lang yung driver para ihinto sa tapat ng isang malaki pero may pagkaluma ng bahay.




Napansin ko lang si Rain na medyo napapalunok at napapakunot-noo parang andami niyang gustong sabihin at itanong pero pinili nalang niyang manahimik muna, kanina puro reklamo na kasi naririnig ko sakanya, siguro na feel niya na medyo seryoso narin ako sa mga sinasabi ko.



Bumaba na kami ng sasakyan, mahigpit kong hinawakan si Rain sa kamay at tumapat sa may doorbell sa labas ng bahay.


"Are you ok?" Asked rain concerned, "gusto mo ako nalang ang pumindot ng doorbell?"


Napansin ata ni Rain, ang pagaalangan ko kung itutuloy ko ba ang pag pindot ng doorbell o ano.





"No, ako na." I said calmly,And pinilit ko nalang ngumiti, saka ako huminga ng malalim, sobrang kabado ko talaga sa totoo lang.


Almost 6 years na rin kasi nung huli akong magpunta rito, sobrang heart-broken talaga ako ng time na yun,tapos ang sakit lang na yung isa sa pinagsasabihan at nakakaunawa ng mga pinagdadaanan mo, ng mga problema, yung nakakakilala sakin sa buong pagkatao ko e nawala pa.



Yung kaisa-isang lalaking minahal ko ng buong-buo, yung isa sa taong sobrang kumumpleto ng buong buhay at pagkatao ko,Yung lalaking buong buhay kong pasasalamatan dahil sa buhay na binigay niya sakin.


Huminga muna ako ng malalim saka ko na pinindot ang doorbell.


Noong una'y walang sumagot sa una kong kong doorbell, kaya pingalawa ko pa saka palang sumagot ang nasa speaker ng doorbell sa labas.




"Dochirasama desuka?" (Sino po sila?)
Tanong ng isang may matandang boses na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko, Napuno ako ng takot at pangamba, na baka sa ilang taong hindi ko pagpaparamdam,baka hindi na nila ako matanggap sa buhay nila.




"Ahhh, yu—yu, Yumiko desu." (Si Yumiko po)I said na medyo nauutal sa kaba.


"Arama! Yumiko jyanai ka! Tsottomate ne!" (Si yumiko ba talaga?! Sandali lang)" sabi ng babae sa intercom, na super excited pa ng boses.Taliwas sa inaasahan kong reaksyon.



ilang saglit pa lumabas ang isang may kaedaran na babae, her nAme is Emiko, my biological father's sister..


Excited na lumabas ang tita ko sa bahay, at sinugod ako ng yakap, saka siya halos maluha, siguro sa saya o sa pagkasabik na makita ako.


Pinapasok kaming dalawa ni Rain sa loob ng bahay at pinapunta sa may parang altar nila, nandon din ang mga picture ng mga lolo't lola ko at ang picture ni Papa at may maliit na vase sa harap ng picture ni Papa, halos lumuhod ako sa harapan nun, at iyak ako ng iyak, at humingi ng tawad kay Papa. Lumuhod din si Rain niyakap ako ng mahigpit sa likod ko pilit pinapatahan, siguro ngayun lang niya akong nakitang nag kaganito, dahil madalas sa pelikula nya lang ako nakikita sa ganitong eksena. At hindi sa tunay na buhay.

Ng medyo kumalma na ang nararamdaman ko.


nagkakwentuhan kami ni tita, bilin daw ni papa na wag ililibing ang abo niya kung hindi rin daw ako ang maglilibing sakanya sa libingan mismo ng mga yumao.


To love a star  Where stories live. Discover now