Chapter 40

2.1K 85 44
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV



Pagkatapos kong maihapag sa mesa yung niluto ko,pinuntahan ko na si Natasha sa living,
Kaso embes na gisingin siya, pinagmasdan ko nalang siya na mahimbing paring natutulog.
her lips slightly parted and a small snore escaping through her mouth.

Parang baliw pa ako na biglang napangiti sakanya.,Itinaas ko na muna yung comforter na nakabalot sa katawan niya hanggang sa may dibdib.


I wonder kung kailan din ang huling beses na nakatulog siya ng ganito kahimbing,sa totoo lang, habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko napigilang hindi maluha,bigla kasing bagsak ng pangangatawan niya, hindi maikakaila ang dumagdag pang itim sa ilalim ng mata,.Bahagyang lumalim ng bahagya ang pisngi niya,.


Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi, and whisper "hindi na kita iiwan pang muli.. hindi na.."


Ayoko na muna siyang gisingin, tinakpan ko lang saglit ang ihinanda kong pagkain sa mesa, at nag shower na muna,After that tumabi nalang ako sakanya at hindi ko na namalayan na nakatulog narin pala ako habang mahigpit ko siyang yakap Sa likod..


Halos alas-8 ng umaga na akong nagising, pero si Natasha, sarap parin ng tulog, medyo umaliwalas na yung mukha niya kesa kahapon na wasted na wasted ang datingan.


Himbing parin ng tulog ng mahal Ko..


hinalikan ko lang siya ng marahan sa pisngi at tumayo na para makapg ready ng kape at yung niluto ko kahapon.

Nung nakaready na, bigla kong naalala na may bitbit pala akong basket of roses kahapon na may teddy bear, naiwan ko pala sa labas ng pinto, kaya naisip ko bago ko siya gisingin, kunin ko na muna para ilagay sa gitna ng mesa,para mas lalong sweet ang datingan, hayy, kailangan kong bumawi sakanya,Hindi rin naman kasi biro yung mga sakit na binigay ko sakanya.diba?


O eto na! Laitin niyo na ako!i'm ready!


Paglabas ko ng pinto, napangiti talaga ako ng masulyapan ko yung bulaklak na nasa gilid parin ng pinto. Inamoy-amoy ko muna ito at kinausap na parang baliw yung maliit na teddy bear sa gitna ng mga bulaklak na maayos na nakasalansan sa basket.


Saka na ako pumasok ulit sa loob,na may ngiti sa pisngi. Kaso napalitan ng takot at pag- aalala ng makita ko si Natasha na nakatayo sa harap ko at umiiyak.



"Babe? What's wrong?" I asked worriedly, saka
Ko muna mabilis na binaba yung basket saka ko siya nilapitan,She didn't say any words, basta niyakap niya lang ako ng mahigpit saka siya umiyak..
"Naku babe, napapansin ko na iyakin ka ng masyado ah!alam ba nang mga fans mo yan?!"I joke. And i awkwardly laugh.



"Kala ko kasi—kala ko kasi iniwan mo nanaman ako eh, paggising ko wala kana sa tabi ko at wala ka kahit saang sulok ng condo na to." Parang bata na yumakap ng mahigpit sakin saka umiyak. I pushed her shoulder gently para matingnan ko Siya sa mukha.


"Babe.." cupping her cheeks and give her a light kiss on her lips "i wont go anywhere,i promise" i sincerely said and give her my sweetest reassurance and comforting smile. "Kinuha ko lang sa labas yung bouquet nato,"
Saka ko saglit kinuha at iniabot sakanya "naiwan ko kasi kagabi sa labas." Napangiti tuloy ako sAkanya at nakagat ko pa ng marahan ang lower lips ko.. "Sexy mo babe, kahit bagong gising." Sabay tingin ko sakanya simula ulo hanggang paa, habang hawak-hawak ang binigay ko bulaklak, naka sando lang kasi siya na gray and naka-underwear lang,nakalugay ang mahabang buhok na medyo, gulong-gulo pa,
Pulang-pula ang pisngi niya pati mga mata niya dahil kakaiyak lang.


To love a star  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon