Chapter 41

1.9K 76 36
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV


Naka-ready na ang sasakyan ni Ben sa parking lot nitong building na ito, para sunduin kami at ihatid sa Pampanga, so ang plan kasi, isasakay kami sa isang luggage carrier, saka nalang tatakpan kunwari, para hindi mahalatang may tao sa loob kapag hinila ng bellboy na kakontiyaba rin namin, leche kasi mga reporters sa labas eh! kahit madaling araw na andiyan parin pala sila at may mga look-out, grabe naman kasi itong babe ko sobrang sikat,ayaw kaming tantanan. Beast-mode tuloy ako.


Kasalanan ko naman pala,, hehe.
O sige na! Libre lait ulet..



Kung hindi daw kami magiingat, pwedi daw kasi kaming masundan ng mga reporters  sa labas hanggang Pampanga,baka Magkagulo Pa kung nagkataon.,gumamit rin ng ibang sasakyan si Ben na hindi gaano sikat para hindi talaga mahalata..


"Babe?sunod kanalang ha?" Nag-kiss pa kami ni Natasha bago ako pumasok sa loob ng luggage carrier, at tinakpan ng bellboy..


Ilang minutes lang at naramdaman ko na ang pagbukas ng tela na pinantakip sa luggage carrier na to at mabilisan pumasok sa sasakyang dala ni Ben, Saka na umalis ulit yung bellboy at si Natasha naman ang next.


"Weeew!" I said,medyo pinawisan pa talaga ako.. "Ben, thanks ha! Ganda ng idea niyo ni Dani ah."


"Oo naman," saka siya biglang natawA.


"Anong nakakatawa?" I said and inirapan ko lang siya. Saka ako nag crossed-arms at pabagsak na isinandal ang likod ko sa inuupuan ko. Gusto ko ng bawiin yung thank you ko ah.



"Wala lang, ang cute mo kasi, para kang ibon na nilabas sa hawla, tapos nabasa ng ulan, este sa pawis."kainis! dinagukan ko nga! "Aray ko naman Belle!biro lang." tawa nanaman siya.


At ilang minuto lang si Natasha naman, madalian din siyang pumasok. At nilagay na rin ng bellboy sa compartment yung iilang gamit ni Natasha..


"Ok kalang babe?" Sabay yakap sakin ni Natasha,and trying to kiss me on the lips kaso umilag ako kaya sa pisngi lang dumampi, tinaasan pa niya ako ng kilay pero nginuso Ben, na naka silip sa rear view mirror. Kaya tumango-tango lang si Natasha.


Nakakahiya kaya kay Ben noh, si Natasha naman kasi, napaka clingy, bago nga kami umalis ng condo. Pinagbigyan ko pa siyang maka score sakin eh. Bitin pa ata?



"Its ok, i won't mind." Sabay smile ni Ben, mukhang naka gets ata, then he winked at me and Natasha, sa reflection ng salamin..


"Hey!eyes on the road.." said Natasha, saka inirapan si Ben..nag smile lang si Ben, impaktong Ben, nakikiusyoso pa kasi!.


"Palabas na tayo,Medyo yumuko kayo ng konti, baka, mahalata kayo." Said Ben, although tinted at my curtain naman dito sa likod. Pero mabuti na yung sigurado..


Tama nga sila super dami nila sa labas ng building and patiently waiting ang mga hinayupak na Reporters,

Tsk! Maghintay kayo sa wala diyan! Mga leche kayo.!..

Nung nakalagpas nakami, saka lang kami nakahinga ng maluwag,ilang oras pa kasi ang byahe kaya nakatulog ako sa balikat ni Natasha.. nakatulog rin pala siya, sa pagod rin ata.


Nung medyo malapit na, ginising nalang kami ni Ben,saka na kami pinagbuksan ng gate ng kapatid kong lalaki.


Bago kami bumaba, naramdaman ko nalang ang paghigpit ng hawak sa kamay ko ni Natasha, mukhang kinabahan bigla..


To love a star  Where stories live. Discover now