Chapter 36

1.5K 57 18
                                    

Natasha "nati" Simeon Pov



"A-anung nangyayari dun?" Kunot-noo kong Tanong kay Manager na hindi man lang ako kinibo, ang weird..


May mga nagkukumpulang mga tao, nagsisigawan.. parang may away, o ano? Hindi ko maintindihan eh!


Lumapit pa ako sakanila, para makiusyoso, in-fairness ah! Hindi naman ako mahilig makiusyoso sa ganito, lalo na public place,pero parang hinihigop ang mga paa ko na lumapit doon. Weird lang talaga.


Ang ingay talaga!


"Dapat lang sayo yan!"
"Eto pa! Malandi ka!"
"Yan ang nararapat sayo!"


Mga ingay na naririnig ko,lumapit pa ako, nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.


"Tama na po! Tama na!" Sigaw nun, at hindi ako
Pwedeng magkamali, siya yun!


Isa-isa kong tinulak ang mga nasa harapan kong nagkukumpulang mga tao,at wala na akong pakialam kung magalit man sila sakin at kung ako ang pagbalingan nila pagkatapos,


Nakita ko siya, nakaluhod sa semento halos paulit-ulit na nagmamakaawa para tigilan na siya ng mga taong nananakit sakanya, may umaagos na dugo sa noo niya pababa sa leeg niya na halos makikita narin ang panloob niyang damit dahil sa punit-punit niyang damit na namantsahan narin ng sarili niyang dugo.



"Rain.." halos wala ng lumabas na boses sa bibig ko, sa gulat sa awa, mabilis ko siyang nilapitan at gusto kong saluhin nalang lahat ng pananakit sa kanya ng mga tao,niyakap ko lang siya at iyak ako ng iyak kasama siya. "stop it! Please! stop it.." sigaw ko sa mga tao pero,parang hindi man lang nila ako pinakinggan.



"Miss Natasha! Tumabi ka diyan!" Sigaw nung ale, sabay hila ng damit ko..





"Natasha!natasha! Natasha!" Napamulat ako ng maramdaman ko ang malakas na pagalog sa balikat ko, medyo natulala pa ako sa paligid ko. Tumingin ako sa tabing upuan ko.


"Ma-manager?" I said confused. Naghahalo pa ata yung panaginip ko sa realidad.


"Natasha ok kalang ba? Binabangungot ka ah!" Nag-aalalang tanong ni Manager at may halong takot pa ang mukha niya. "iyak ka ng iyak, ano bang napanaginipan mo?" Saka ko lang biglang naalala, akala ko totoo na kasi.


"Manager, na-nasan na tayo?" TAnong ko.


"Sa eroplano parin, ilang minuto nalang nasa singapore na tayo." Tiningnan ako ni Manager "ok kalang ba talaga?"



"Manager, pwede bang bumalik nalang tayo ng Manila?"


"Huh?Ay naku hindi pwede,Kailangan niyo munang tapusin ni David yung shoot niyo dito sa Singapore,5days lang naman makakabalik na tayo ng Manila kung magiging maganda ang ending ng shooting ninyo,makakauwi tayo agad." Nag straight ng upo si Manager and crosses her arms.


"Si Rain po,napanaginipan ko si Rain, sinasaktan siya ng mga tao,Manager natatakot po ako para sakanya, kakailangan ko lang po siyang balikan, protektahan sa mga gustong manakit sakanya.." halos manginig na ang boses ko.



"Natasha,relax ka lang ok? Panaginip lang yun, ok lang siya,kasama ng buong pamilya niya, walang mananakit sakanya, saka isa pa nagpadala ng mga tauhan si ma'am Dani sakanya para may umalalay kung sakali man na malaman ng mga paparazzi ang bahay nila sa Pampanga,"huminga ng malalim si Manager saka nagsalita ulit "Natasha walang mananakit sakanya ok?.kumalma kalang diyan."


To love a star  Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt