Chapter 2

4.1K 141 17
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV

4pm palang nag ready na akong mag ayos, kahit 8pm palang ang usapan namin ni ms. Natasha na magkikita sa isang sikat na japanese restaurant sa makati, nagpa reserved siya ng VIP table,para sa aming dalawa, syempre dahil sikat na sikat siya, bawal siyang dumugin ng madla para mag-ka privacy talk daw kami..



Ang hirap din siguro maging sikat kasi hindi mo kontrolado lahat ng kilos mo, hindi ka basta-basta makapunta sa isang lugar ng hindi dinudumog, I've heard last time na napunit pa daw ata yung damit ni ms. Natasha at nagkapasa pa dahil nagkagulo
Ang mga fans sa pagdating niya.





Well, anyway, nagpaganda na ako ng husto at sinuot yung damit ko na halos ilang buwan kong pinagipunan, ang hirap kayang tumapat sa kanya, Baka pagkamalan pa akong chaperon! Kaloka!



Humarap ako sa isang body size mirror sa kwarto namin ni bea, at hinapit ang suot kong off shoulder na baby blue na floral yung design,saka yun buhok ko na nakapony tail..



Dahil alam kong traffic at sayang naman ang outfit ko, nag-grab taxi nalang ako kahit mahal at nagtitipid ako..



Almost 7:30pm nakarating na ako sa venue at dumiretso na ako sa loob ng resto
Hanggang sa reserved table namin, dahil mali-late daw ng konti si miss natasha.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid, inaadmire ko talaga tong fancy restaurant na ito.





Hindi naman ako first time sa mga ganito, dahil may mga bibigating personel na mga nanligaw sakin ang na i-date na ako sa mga ganitong class na restaurant, but i prepared to be single, gusto ko muna kasing ilagay sa magandang buhay ang family ko bago ang love love na yan, at isa pa makaka sira lang yan sa mga pangarap ko Sa buhay.


Almost 8:30pm na ng dumating si miss natasha, yung driver at mga body guard niya sa labas na lang daw maghihintay, since safe naman dito sa restaurant.




"Hey rain! so sorry i'm late,may tinapos pa kasi akong shoot sa cavite.." lumapit siya sakin she kissed my cheek, and niyakap na rin ako.




At natulala nanaman ako dahil sobrng starstruck nanaman ako sa kanya.


Is this real? Gusto ko ngang sampalin ng maraming beses ang mukha ko, baka kasi nananaginip lang ako.


"Hey rain, o-ok kalang?" She asked concerned..



"A-ahh, i mean I'm, yah! im okey!" Nataranta talaga ako, saka siya napasmile sakin at umiling-iling pa..



Level up shyness na to ah.




"Owkei.. so order na tayo? Gutom kana diba?" I awkwardly and gently nodded.



Andami niyang inorder,sinong uubos ng lahat ng ito? As if naman siya? Eh ang liit ng katawan at wala sa mukha niya ang uubos ng ganito karaming order, eh halos inorder na lahat ata ang nasa menu ng restaurant na ito.



"Ok kalang ba talaga rain?" She worriedly asked.




"Andami mo naman inorder, anu kasi, baka kasi hindi natin maubos yan, sayang naman kasi" nahihiya kong sagot.



"Kaya natin yan! Anu kaba?" She smile, showing her perfect set of white teeth, seryoso ba talaga ito? Ang ganda niya ang kinis, napaka perfect niya, tao paba tong nasa harapan ko? Bakit ganun. Hustisya naman sa simpleng ganda lang na tulad ko.



"Tao kapaba?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko, at bigla rin akong namutla sa nasabi ko.




"Huh?" She smile na medyo tinaas pa yung kilay "what do you mean?"mukhang matatawa pa siya.




To love a star  Where stories live. Discover now