Chapter 17

2.1K 94 13
                                    

Natasha "nati" Simeon Pov




Nabulabog ang pananahimik ko sa kwarto ko,ng marinig ko ang walang sawang pagtunog ng door bell ko.




"Urrrgggg!!! Ano ba yan! Sinabi ko ng ayoko na muna ng istorbo eh!"

Saka Tinakpan ko ng unan ang ulo ko at pinilit humiga, kaso naman kung maka doorbell wagas! Megawdd!!



Tiningnan ko ang orasan sa may tabi ng bed ko, almost 1pm na, oh eno naman ngayun?ni hindi ko na nga alam ang araw at oras,i just want to lay on my bed and sleep.




"Urrggg!! Oo na!! Lalabas na!!"i shouted in a low tone,

Nag suot lang ako ng bathrobe ko,at sinilip sa intercom ko kung sino yung kanina pa doorbell ng doorbell.


I rolled my eyes si Manager nanaman ang nasa labas.


Binuksan ko na at mukhang sisirain pa yung doorbell ko Sa pagpindot niya.

"Diba sabi ko ayoko na muna maistorbo?" I said, saka ko siya tinaasan ng kilay.



"Pwede ba Natasha!" Tinulak ako ng bahagya, saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng condo ko.



Napansin kong may dala syang dalawang balot na plastic bag, at inilapag sa island bar ko sa kitchen, Sinundan ko lang siya habang nakataas ang kilay ko at nakacrossed-arms


"Manager, gusto ko ng magpahinga,saka mapag-isa,kaya kung pwede lang bumalik kana lang kapag ok na ako—"



"So ngayun hindi narin ako welcome dito?Natasha ah!ayusin mo nga ang sarili mo!" Galit na tono ni Manager habang nilalabas sa plastic yung mga pinamili niya.




"Sinabi ko naman na mag-papahinga lang ako." I said and inirapan ko siya.



"Magpapahinga? Natasha, dalawang linggo ka ng nagpapahinga, nagagalit na ang management sayo!ang dami ng na pending na scene sa set sa pagkawala mo! Ano pabang gusto mong pahinga?"



"Edi sabihin mo sakanila humanap na lang silang ibang tatapos ng film." Saka ako nag cross-arms ulit.



"Nababaliw kana ba? Half way na yung ginagawa niyong film, ngayun kapa aattras? Alam mo ba kung ano magiging outcome nito kapag kinancel Mo yun? Saka andami mong na pending na trabaho at na cancel na mall tour mo! Natasha naman, ano nabang nangyayari sayo?"



"Oo na! Tatapusin ko na lahat yung trabaho ko
Then after that I'm quitting this industry, pagod na pagod na ako!" saka ako pabagsak na umupo sa couch ko sa living area. Sinundan lang ako ni Manager.





"Natasha, tell me whats wrong? Hindi ka naman magkakaganyan kung wala kang mabigat na problema, matagal na tayong magkasama sa industriyang ito, i know everything about you, lahat ng sikreto mo alam ko, pero wala naman kumalat diba? Hindi mo lang ako Manager, second mother mo rin ako kasi para na kitang anak ko, and worried na talaga ako Sayo,so tell me, about ba ito kay Rain? May nangyari ba sa inyo after ng birthday ni Nikki,?Cuz Nikki is asking me too, kasi hindi ka na sumasagot ng mga tawag at text niya daw."



"After this film, I'm staying in Canada for good." Pglilihis ko ng usapan.


"So now, you're escaping again? Natasha for
Once, grow up! Hindi lahat ng problema,tinatakasan,kailangan mo rin harapin yan!"she too a deep and heavily breath "
when your sister died, ni hindi kana nagpakita sa burol Niya, at tinaggal mo
Lahat ng contact sa mama mo, then again about kay Nikki, eh diba nag tago karin nun?. Then your father died, ganun din hindi kna nagpakita kahit man lang sa burol niya,so what now?"



To love a star  Where stories live. Discover now