Chapter 37

1.5K 59 16
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV


I couldn't have been happier, basta sobrang saya lang ng puso ko ngayun, kasi sarili kong pamilya tanggap nila kung ano ang makapagpapasaya sakin, lalo na si Papa, parang nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan, parang lahat ng stress ko nawala lahat, although hindi pa tapos ang mga masasakit na issue ko outside my comfort zone, and so what diba? Ang mahalaga lang naman yung pamilya ko!

Diba yun naman talaga ang number 1? Ang opinion nila?

I tried to call Natasha, but shh.. oo nga pala baka nasa flight pa siya ngayun para sa last shoot niya in Singapore,.  I really missed her though. Hayy.


"Anak?" I heard my mama's voice sa labas ng pinto ng kwarto ko..


"Maaa! Pasok po.." Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto.

"Anak, parating na sina darang letty mo.." dara means tita,,


"Ma? A-alam po nilang nandito ako?"


"Hindi, pero matagal na nilang plano pumunta rito, hindi naman mapigilan ng Papa mo dahil sa sitwasyon ngayun." She let a low sigh.


"Ma ok lang po, namiss ko narin naman po yung mga pinsan ko, kasama rin po sila?"


"Oo buong pamilya, kaya mag-ayos kana at— oh? Andito na ata sila, naririnig ko na sila sa baba,sige anak, magbihis kana diyan at bumaba kanalang ha?"


"Opo ma," saka na nagmadaling bumaba si mama.


Ilang years ko na rin silang hindi nakikita, mababait naman mga pinsan ko pero yung si darang Letty, na kapatid na bunso ni Papa, medyo ilag ako dun. Poker face kasi..


Kaya nagmadali nalang akong magbihis at pababa na sana ako nung marinig ko silang naguusap sa baba ni papa.


"Oh kuya! Ang daming balita dito kay Belle ah, masydo nang sikat ah? Kaya siguro ang bilis guminhawa ng buhay niyo eh isang Natasha at Elena pala Ang biningwit.." hindi ko naririnig sumagot si papa, at parang napako lang ang mga paa ko dito sa kinatatayuan ko, "baka gusto niyo naman ambunan kami sa mga grasyang nahihita ni Belle sa mga sikat na artista na yan!." Sabay tawa niya pa Ng makahulugan,


Msyado ng foul ang naririnig ko, kaya bababa na sana ako ng may marinig ako na parang isang malakas na tunog na nasampal. Mga ganun..


"Aray!" Boses ni darang Letty.

"HuWag na huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang mga anak ko lalo na sa loob ng pamamahay ko!!!" Sigaw na sobrang galit na ng boses ni Papa, sa totoo Lang ngayun ko lang siya narinig ng ganito kagalit,
bigla silang nagkagulo sa baba,kaya otomatikong napabilis ang pagbaba ko at nahulog ko pa ang cellphone ko sa hagdan na hindi ko narin ininda dahil sa mga nangyayari sa baba..

"Papa!"


"Kuya erning! Tama na!"


"Erning!"


Mga sigawan na naririnig ko, pagtingin ko
Inaawat nila si Papa.



"Papa?" Tawag ko,kaya nabaling lahat ang tingin sakin, pero ang focus ko sa papa ko "Papa?" I said na medyo napansin ko si papa na napahawak na sa dibdib niya at iba na yung nagiging reaksyon ng mukha niya,tumakbo ako palapit kay Papa, pero huli na,yun nadin kasi ang pagbagsak niya sa sahig, kaya lalong nagkagulo ang lahat, hindi ko na maintindihan ang sigawan na nangyayari, hawak-hawak ko si Papa at tumulo nalang ang mga luha ko.


To love a star  Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz