Chapter 27

1.4K 63 4
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV




I have never been low in my life, but here i am halos lumuhod na sa harap niya, nagmamakaawa na wag kaming magkahiwalay dahil hindi ko kaya.
Hindi ko makakaya.



Pero kahit pa siguro magmakaawa pa ako ng ilang beses sakanya,ng ilang ulit pa sakanya.
mukhang hindi na magbabago ang desisyon niya,nagmumukha nalang akong tanga..
nagmumukha nalang akong desperado na makuha siya. Kasalanan ko naman kasi talaga. And tanggap ko naman dapat to diba?. Deserved ko to.


Kasi Sa bawat pagpilit ko na mayakap ko siya, marahan niya rin akong itinutulak palayo,ang sakit,nahihilo na ako sa sakit!
halos sapuin ko na ang puso ko at baka mag collapse nalang ako anytime sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.


Nakailang hikbi muna ako, sa harap niya.. umiling-iling,sabay pagpunas ng mga luha ko na halos wala ng mailuha, bago ako nag decide na,


'tama na siguro ito',

kapag lumabas ako sa pintuan ng condo niya, alam ko sa sarili kong wala na. Wala na talaga,Wala na akong pwedeng balikan pa sakanya.. Kaya kailangan ko ng i-ready ang sarili ko.



At kailangan ko ng umalis, kahit feeling ko bumigat ang mga paa ko sa paglakad,ang lapit lang ng pinto pero sa bawat step ko feeling ko paunti-unti itong lumalayo,ang hirap Ihakbang ng mga paa ko, ang bigat sa dibdib nito. i felt so much tension when i reach the door knob,i pause for a while,but didn't look her back, deep Breath and it takes a lot of courage before i twisted this doorknob. And i know this is it.


Im in the edge of the "point of no return" ganito pala talaga yung feeling,halos ikamatay ko na yung sakit,


Pero andito na to, andito na.
pagbukas ko ng pinto.. nagmadali nalang akong lumabas, habang sapo-sapo ko ang dibdib ko.

*************************************************

Sorry 😐🥺

keep safe everyone❤️❤️❤️

To love a star  Where stories live. Discover now