Chapter 39

1.8K 84 52
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV




"10years..10 years narin ang nakakalipas, simula ng huli kaming magkita ni Natasha,"heavily breathing "siguro, napagod na rin siya sa kakahintay, at balita ko'y ikakasal narin siya,hayyy! kaya eto ako ngayon, bitter parin, mukha paring walking zombie dahil sa kakasisi ko sa sarili ko sa nangyari, hindi na ako nakakatulog sa gabi," sighing "pero ang hindi ko lang matanggap bakit?bakit?bakit sa driver niya pang panot, malaki ang ilong at maitim? 30 years pa ang age gap nila??Aro!josko bakit? Bakit siya pa?!" With imaginary teary eyes.


Nasinghot ko tuloy ang sipon ko at nalunok, iiww!!saka ko siya tiningnan ng nakamamatay na tingin..



"Alam mo Ben? Kung nakamamatay lang ang masamang tingin? Malamang! Pinaglalamayan kana ngayon! Sira ulo kaba? Nagmomoment ako dito diba?" Saka ko siya pinaghahampas sa braso,Saka nanaman ako naiyak. Pero Siya patawa-tawa lang,. Yung totoo, kaibigan at ex ko ba tong sira ulong to?!


"Oh eh? Hindi kasi ako makasingit sa kaka ngawa mo diyan eh, edi gumawa nalang akong pang MMK!.." saka siya nag smile ng nakakaloko. "Ano pasado naba?" Wiggling his eyebrow.

"Che! Sira ulo ka talaga! kasi naman Ben eh! Sumeryoso ka naman!" Saka ako humagulgol ulit ng iyak. "Ben? Mali ba ako sa desisyon ko? Masama ba akong tao? Ben, masakit naman din para sakin to diba?" Niyakap lang ako ni Ben at walang sawang hinagod ako sa likod.


"Alam ko naman, naiintindihan ko naman Belle, alam ko naman na pinoprotektahan mo lang ang pamilya mo at lalo na si tito,at alam ko rin naman na hindi naman ganun kadali ang ginawa mong desisyon.," buti naman at nakidalamhati din siya.


"Ben, mahal na mahal ko siya, pero mahal ko rin naman ang pamilya ko, lalo na si Papa, ayoko na rin siyang nag-aalala pa baka kasi tuluyan na siyang mawala samin, hindi ko kaya Ben,hindi ko rin kayang mawala si Papa.."


"Alam mo Belle" suminghap muna siya ng malalim na hininga at tiningnan ako ng seryoso
"yung damit ko. Puno na ng sipon mo eh.." loko talaga tong si Ben eh!naitulak ko nga siya saka ko siya tiningnan ng masama.
"Ayusin mo nga muna ang sarili mo bago kita iuwi sa inyo, baka akalain pa ni tito at tita eh, may ginawa akong hindi dapat sayo,makasuhan pa ako ng mga bagay na hindi ko ginawa." At talaga namang napaka seryoso niyang magsalita. Kainis! "Saka Belle,huwag ka ng iiyak! ang panget mo kayang tingnan!"



"Wow naman! Salamat sa pag-comfort na may halong panglalait ah?! Nakakataba talaga ng puso!" I said with sarcasm "kung makapanget ka naman!"


"Joke lang Belle, just want to lighten the mood, alam Ko naman simula ng inatake si tito eh, grabe ng stress mo sa buhay,pati narin yung tungkol sa inyo ni Natasha, alam ko naman na grabe na kasakit ang mga nararamdaman mo, pero minsan Belle, sarili mo naman ang isipin mo ha? Baka kasi ikaw naman ang magkasakit sa sobrang kakaisip mo sa problema.." saka ako niyakap ni Ben.


"Salamat Ben, paminsan-minsan may kwenta rin naman pala mga payo mo." I said. And crosses my arms.


"Grabe ka naman magsalita Belle!." Pouting his lips "ah! Syanga pala Belle," may kinuha siya sa bulsa Niya "eto oh" sabay abot ng isang ring case "pinapabigay ni Natasha sayo, inabot niya kanina bago siya umalis."


Kunot-noo kong inabot ito,Binuksan ko sa loob, tama nga ako Singsing.


"Ay wow Belle, diamond ring yan ah! Mukhang mamahalin! Tara sangla na natin? KikitA tayo—" bago niya maabot, naisarado
Ko na at nilagay sa likod ko. Tiningnan ko nanaman siyang nakakamatay na tingin.. "sorry naman! Baka paglamayan na ako mamaya sa tingin mo Ah! Double dead na ako ngayon." Pagbibiro niya,saka siya nag peace sign at nag smile ng nakakaloko.


To love a star  Where stories live. Discover now