Chapter 19

2.2K 101 4
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV




Bakit kaya kahit saan ako tumingin nakikita ko siya?


Moving on na diba?



Bakkkkiiiiiieeettttt????!!!


Turn to the left   Siya ang nakikita ko
Turn to the right siya parin!
Turn everywhere? Nak ng pussycat naman! Siya parin?!!



Tengeneng buhay to oh!


"Belle? Ok kalang?" Nagulat pa ako kay Ben ng hawakan ang kamay ko, tiningnan niya lang ako saglit and tingin ulit sa driveway, siya na kasi yung nagmistulang driver ko dahil wala pa akong time mag driving lesson, and yung Manager ko busy rin sa mga ibang talents niya,At kayang-kaya ko naman daw kahit wala siya.




"Sorry may naalala lang ako" i said and humarap sa side window.



"Grabe talaga noh?grabeng sikat na celebrity ni Natasha, hindi ko talaga lubos maisip na kaibigan mo siya at ilang beses ko na ring nakita sa personal" Patingin-tingin sa daan si Ben.


Eh,pano ba naman lahat ng madaanan namin puro may mga mukha ni Natasha, ultimong bus e may itsura niya, e pano ba ako makakamove-on nito?.


"Magtaka ka kung wala siyang billboard e sikat na celebrity nga diba?" Saka ko inirapan si Ben.


"Galit?" Natawa siya bigla "oo nga pala, bat hindi na nga pala kayo nagkikita lately? Ah! Busy kasi masyado no?" Siyang nagtanong siya narin ang sumagot kaloka tong lalaki na to.


Ilang minuto pa at nakarating na kami sa Ferrer's corp.

At pag dating ko ora mismo, pinapunta agad ako ni Dani sa office niya, sabi ng secretary ni Dani medyo bad mood daw si boss Dani.

Nagaway ba sila ni Nikki?

Oi! Wala akong kinalaman dun kung sakali man ah!

O baka naman galit siya dahil hindi ako nakapasok kahapon?


Shit na malagkit naman oh!

Eh pano ba naman ang sakit talaga ng pakiramdam ko kahapon, hangover nga.

Ang sakit ng ulo ko.
Sumabay pa ang sakit ng puso ko.
bakit ba kasi!
Bakit pa kasi pinagsabay!

Napapalunok nalang ako at hawak ko ang puso ko sa kaba habang binubuksan ko ang pihitan ng pintuan ng office ni Dani.

Pagpasok ko,Tiningnan ako ni Dani ng may kalamigan na feeling ko nasa North Pole ako sa lamig saka niya ako minuwestruhan na umupo sa sofa dito sa office niya,

Medyo hindi nga maganda ang timpla ng mukha niya,. Hindi ko mabasa ang expression, pero dama ko ang tensyon,senyales na may kakaiba nga., kaya tahimik akong napapalunok na umupo.

Lumapit si Dani at nag crossed arms and nakakunot ang noo at ilang beses humihip at nagbuga ng pabagsak na hangin sa ilong niya.

Feeling ko nga malapit na itong bumuga ng apoy,

"Da-Dani pi-pinatawag mo daw ako?" I said stuttering, Bumuga muna siya ulit ng pabagsak na hininga  "Dani i'm really sorry kung hindi ako nakapasok kahapon at na cancel tuloy yung mga commitments ko ang sakit talaga ng pakiramdam ko,promise babawi ako." I said na medyo tensyonado, kinakabahan kasi ako.


"You know what Rain? its ok kung biglaan kamang hindi makapasok dahil sa mga nararamdaman mo, walang problema, ang hindi ko lang magustuhan yung insident na ginawa mo last night, e pano kung napahamak ka? Buti nalang pala at dumating si Natasha."


To love a star  Where stories live. Discover now