Chapter 42

1.7K 70 26
                                    

Natasha "nati" Simeon Pov



"Anak, bangon na.." isang marahan na haplos sa balikat ko ang nagpagising sa mahimbing kong pagkakatulog.


"So-sorry po ma" napabalikwas ako ng tayo "a-anung oras napo? Na-late po ba—"bigla akong nataranta, ayoko kasi ng nale-late baka lalo lang magalit si papa eh.


"Ok lang,"sabay ngiti ng mama ni Rain, "alas-4 palang ng madaling araw, pinapagising kana ng Papa mo, maya-maya punta nadaw kayo ng bukid."



"Opo ma.." ngumiti din ako pabalik sakanya.


"Kaya mo paba anak?" She asked concerned.


Ngumiti ako "oo naman po ma."


"HuWag mo nalang gaanong papansinin ang Papa mo Ah,?medyo gulat pa kasi siya sa mga nangyari.."she sigh "pero alam ko, mahal ka ng Papa mo."

Pang-apat na araw ko na ito, actually,kahit nakakapagod talaga, at grabe ang init sa farm,naeenjoy ko naman dahil mababait yung mga kasama ko doon, at palabiro
Rin itong si kuya Rhene,pwera nalang kapag darating si Papa,


Kasi naman..

yung mga dating ngiti ng Papa ni Rain sakin dati,napalitan ng mga seryosong sulyap.

Yung kalmado at pala-payo na nakilala ko dati. Napalitan ng galit at matigas na pananalita.

At yung mga masasayang ngiti niya sakin,napalitan ng kasimangutan,

Bakas parin sa Papa ni Rain ang pagtutol sa relasyon namin, hindi ko nalang sinasabi at pinaparamdam ito kay Rain, para hindi nalang siya gaanong mag-alala.

Sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kailan ako mapapatawad at matatanggap ng buo ng Papa ni Rain,pero kung ang pag-aararo sa bukid, o kahit ang paglilinis pa ng kulungan ng baboy araw-araw ang makakapagpanumbalik ng dating pagtingin ng Papa ni Rain sakin,lahat gagawin ko Para lang mapatunayan na karapat-dapat at malinis ang intensyon ko kay Rain., at hindi ako susuko hanggat hindi ako Matanggap ng buo ni Papa.


Nag-madali na akong nagbihis, sinuot ko na yung mga pinahiram na damit ni aling Maila, saka na ako nagmadaling bumaba..


"Oh! Tasha,tara kape muna.." bati ni kuya Rhene kasama si papa sa kitchen..


"Thank you." Nginitan ko sila "good morning po pa!" Masayang bati ko. Pero as usual dedma.. kaya umupo nalang ako at humigop ng kape,
At sinawsaw ang pandesal ko sa kape, turo ni kuya Rhene,masarap naman pala.
At syempre Para may lakas ngayong buong umaga.


Bago mag ala-singko umalis nakami ng bahay..

*****

This is it!.. pancit! Turo sakin ni mang waldo. Hihi


"Magandang araw tasha!" Bati sakin ng mga nagtatrabaho dito,actually mga kamag-anakan din nina Rain ang mga nagtatrabaho dito sa farm ni Papa, mababait lahat sila,at masayahing kasama.

"Magandang araw din po sa inyong lahat.." ngitian ko sila ng pagkatamis-tamis.. "tara na! Umpisa na tayo?" Ngiti ko. Ngumiti rin sila sakin.


Hindi alintana ang pagod at init ng panahon sa nagpupursiging katulad ko. Kahit pa napaka cold talaga ng treatment sakin ni papa, ayos lang..

"Nata. Natasha!" Tawag sakin ni Papa, mabilis ko siyang nilapitan. Medyo hirap pa siyang magsalita ng diretso sa condition niya.
Ano nanaman kaya ang ginawa kong mali? Kinakabahan man, mabilis parin akong nakalapit.


To love a star  Where stories live. Discover now