Chapter 26

1.6K 69 34
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV




3days,

3days na simula ng last kaming magkita ni Natasha, after that ni hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko, nakailang text narin ako pero ang tagal niyang mag reply tapos sasabihin lang
'sorry, busy lang' alam ko naman na iniiwasan niya ako, ramdam ko naman yun, kasi kahit naman busy yun, she will make time talaga na magkita kami or tatawag siya dahil namimiss na min agad yung isat-isa and masyado ng matagal ang 3days na yun para samin,ayaw ko naman siyang puntahan sa condo niya, kahit may spare ako ng card key niya, baka kasi lalo lang siya magalit.


kung bigyan ko muna kaya siya ng konting space at time? Magiging sapat ba yun para mawala ng konti ang galit niya? Ang tampo niya?
O kung kulitin ko na siya? Suyuin? Pero paano?

Mga tanong na naglalaro sa isipan ko.


Kilala ko si Natasha, kapag nagtatampo, ganito siya eh, kayang-kaya niya akong tiisin kahit hindi kami magkita, o mag-usap,pero iba ako sakanya. Hindi ko kaya.. hindi ko makakaya. Hindi ko kakayanin.



"Rain! Focus!!" Sabi ni sir jed yung isa sa photographer dito.. "ano bang nangyayari sayo?" Kunot-noo niyang sabi, and this is my first time na mapagalitan ni sir jed, "ok guys! 5mins break!." Sabay buntung-hininga niya "Rain, dito." Pinalapit ako ni sir Jed sa tabi niya, agad naman Akong lumapit sa kaba "Rain, kung hindi ka magpo-focus sa ginagawa mo ngayun, hindi tayo matatapos agad,may schedule pa mamaya si Elena, kaya we need to Stay focus, do we understand?" Kalma lang ang boses ni sir Jed pero ramdam ko na naiirita na siya kanina pa.. and its all my fault,shit naman oh..
Belle, please. stay .focus..




"Opo sir Jed, sorry po.." i said and umupo muna ako sa upuan, tabi ni Elena.



"Sweetie-pie.." said Elena, she cupped my under chin slowly paharap sakanya to meet our eyes "masama ba pakiramdam mo?" Hinawakan niya yung noo ko "Kanina kapa kasi wala sa sarili,nag-wo-worry tuloy ako sayo eh,saka huwag mo naman akong masyadong isipin, nasa harap mo lang naman ako eh." She wink at me and suddenly knit her brows, parang seryoso-seryoso talaga,but for me? Mukhang tanga lang siya. Shh.




"Im, I'm ok.. Elena" and pasimple kong tinanggal ang kamay niya,and nag diretso ako ng tingin.



"Buko-pie, you're not ok for me, is there something wrong? Dahil ba 2 weeks kaming mawawala ni Natasha for UK concert tour? Malulungkot kaba dahil hindi mo ako makikita for 2 weeks?" Sabay pilantik ng pilik mata niya parang nagpapa cute,pero mukha parin siyang tanga.kainis.


"Huh? U-uk tour? Ka-kailan?" I asked
Joke ba to?


"Why honey-pie? Hindi mo alam? Hindi paba nabanggit sayo ni Natasha? Ahhh.." she pouted her lips, "well, matagal na niyang kinancel ito eh, na hindi siya makakasama, but the last minute bigla nalang niyang sinabi na, ok na yung schedule at makakasama nga siya."


"Ahh!Ya-yah, nabanggit niya nga pala."I lied
"pero hindi niya nabanggit kung kailan." I said.



"This friday yung flight namin honey-babe, wag mo akong masyadong mamiss ok? Lagi naman kitang tatawagan eh,or itetext kung anong gusto mong pasalubong?"ask Elena, pero wala sakanya ang focus ko,kung hindi nasa binanggit niyang UK concert tour nila. Kasi wala naman siyang binabanggit sakin, to think na this coming friday na yung flight nila. So that means sa makalawa na yun.. "honey-bunch,uyyy!are you even listening?"



"Ah? So-sorry, may bigla kasi akong naalala eh.. ano nga ulit yun?" I asked.


"Sabi ko,lemon-pie kung anong gusto mong pasalubong.." she repeated.



To love a star  Where stories live. Discover now