Prologue

1.5K 53 7
                                    


5 taon na ang nakalipas...

Nakapagtapos na kaming dalawa ng pag-aaral at ngayon ay may sari-sarili na kaming trabaho. Si Dylan ay isang CEO na ng kompanya nila na iniwan sakanila ng magulang nila at ako naman ay malapit na makapag tayo ng sarili kong negosyo.

Bukod sa ma swerte kami sa trabaho ay swerte din kami sa lagay ng mga pamilya at kaibigan namin. Si Kuya Ethan at Ate Drianne ay kasal na at malapit narin manganak si Ate Drianne na nag dadalang tao ng isang lalaki, hinihiling ng lahat na hindi niya mamana ang kasupladohan ni Kuya Ethan.

Si Kuya Evan naman at Dahlia ay hindi parin nagkikita at nagkaka usap sa ngayon, hinihiling ko na sana ay maayos na nila ang problema nilang dalawa.

Si Kuya Matt at Yunna hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong meron silang dalawa, magkaibigan, magka-ibigan, M.U? Pero malaki ang hinala ko na may nararamdaman silang dalawa para sa isa't isa, hindi pa lang talaga nila inaamin sa mga sarili nila.

Si Ate Delaney at Lincoln ay kasal narin at isang taon ang nakalipas pagkatapos nilang magpakasal ay nagdalang tao na si Ate Delaney ng isang babae na ang pangalan ay Deilyn Xin Hondeval, dalawang taong gulang na siya ngayon at habang lumalaki siya nakikita ang pagkakahawig niya kay Ate Delaney na syempre may halo parin kay Lincoln.

Saksi din kaming lahat sa lahat ng hirap na pinagdaanan nila maipaglaban lang ang pagmamahalan nilang dalawa para sa isa't isa at ngayon ay isa na silang masayang pamilya kasama ang anak nila.

Syempre hindi natin makakalimutan ang BX5 at RV5, ang noong magkakaaway pero ngayon ay solid na magkakabarkada at magkakaibigan na ngayon.

Walang pinagbago ang dalawang grupo, mga loko at mayayabang parin katulad ng dati pero talaga namang may ipagmamayabang ang mga yan dahil sa kaliwa't kanan na swerte nila sa mga trabaho nila, maaaring yung iba sakanila malas sa pag-ibig pero alam kong may nakalaan na tamang panahon para sakanila.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon