Pathway~[16]

209 13 0
                                    


MIRROR

Hazelle's POV,

Ngayong araw na ang birthday party ni Grayson sa pool bar ni Levi. Wala naman gaanong inimbita si Grayson, karamihan ay mga kaibigan niya lang. Mag si-stay din kami sa malapit na hotel doon for after party naman, tsaka sigurado baka abutan na kami ng madaling araw doon.

Naghahanap na ko ng damit na susuotin, kaka pa facial lang din namin ni Pauline kanina kaya maganda ang balat ko ngayon. Nag pa treatment din ako ng buhok kaya makintab ito at malambot, nag pa trim lang ako dahil gusto ko mahaba ang buhok ko sa kasal namin ni Dylan.

Naisipan ko na mag fitted dress nalang na backless, kulay itim ang kulay nito tapos mag si-silver heels nalang ako, kumuha narin ako ng clutch bag. Nakaligo na ko kaya nag blower na ko ng buhok at nag light make up. Habang naglalagay ako ng lipstick ay kumatok sa kwarto ko si Mama.

"Hazelle nandito na ang sekretarya mo, paakyatin ko na ba siya dito?" Tanong ni Mama.

"Opo Ma" Sagot ko at medyo inayos ang vanity table ko. Pinapunta ko si Maidelyn dito dahil isasama ko siya sa birthday party ni Grayson. Bumukas muli ang pinto at bumungad sakin si Maidelyn na naka simpleng T-shirt lang at pants tsaka sneakers.

"Bakit ganyan lang ang suot mo? Diba sabi ko pool bar ang pupuntahan natin? Bakit hindi ka manlang nag dress?" Ani ko sakanya at pina upo na siya sa harap ng vanity.

"W..wala naman po akong masyadong dress, tsaka ayos na po sakin na ganito suot ko. Hindi ko nga po alam kung bakit isasama niyo ko doon eh wala naman po akong kilala don" Aniya kaya bumuntong hininga at dumaretso sa closet ko. Maayos naman ang suot niya pero hindi yoon bagay sa tema ng party na pupuntahan namin. Kinuha ko ang isang nude na kuklay off-shoulder dress at gold high heels, kumuha rin ako ng clutch bag.

Inabot ko sakanya lahat ng kinuha ko at kumunot naman ang noo niya.

"Isuot mo lahat yan, hindi ako papayag na yan lang ang susuotin mo" Utos ko sakanya kaya nanlaki ang mata niya.

"P..Pero Maam-" pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"I'm your Boss Maidelyn, do my orders" Ma awtoridad kong sabi sakanya kaya bumuntong hininga nalang siya at pumunta sa banyo para doon magbihis.

Pagkalabas niya ay napangiti ako ng makita ang itsura niya, malayong malayo sa Maidelyn na nakikita ko sa opisina. Mabuti nalang at pinatanggal na niya ang braces niya, naka salamin parin siya pero bagay naman sa damit niya. Pero mas gusto ko siya pag walang salamin kaya pinatanggal ko rin ito. May contact lenses naman siya kaya makakakita parin siya.

Umupo siya ulit sa harap ng vanity table at nilagyan ko siya ng light make up.

"Ayan, mas lalo ka ng gumanda. Your really beautiful Maidelyn, required ka na na palaging ganyan ang ayos mo papasok sa opisina ah" Ani ko sakanya at tumawa naman siya.

"Salamat po Maam, first time ko po magsuot at magmukhang ganito. Baka hindi na po ako makilala ng magulang ko" Sambit niya kaya tumawa ako.

"Halika na sabay na tayo pumunta doon, huwag ka mag alala nandoon si Jonathan" Ani ko sakanya at kinindatan pa siya, nakita ko naaman na medyo namula ang pisngi niya.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ko. Habang nasa kotse kami ay pinag uusapan namin ang mga kailangan naming idagdag sa shop like the stocks, kailangan narin namin magdagdag ng tao dahil nakukulangan na kami, also equipments para sa mga mananahi ng damit namin and storage space sa lahat ng stocks namin. Maganda ang takbo ng shop ng mga nagdaang araw kaya mukhang kakasya ang budget na compute niya para sa lahat ng yon.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon