Pathway~[04]

1.4K 40 24
                                    

《LEND HAND》

Dylan's POV,

"Ang tagal na nung huli tayo nagkasasama ng ganito, mabuti naman at naisipan mo magyaya na magkita kita tol" Komento ni Levi habang nainom ng wine.

"Pero kilala natin ang kupal na'to hindi siya magyayaya kung walang dahilan, Anong dahilan mo ngayon? Maganda ba yan o problema?" Tanong sakin ni Jonathan.

Napa iling nalang ako.

"Plano ko ng mag po propose kay Hazelle" Nakangisi kong anunsiyo sakanila at kaagad ko nakita ang panlalaki ng mga mata nila

"Sabi na nga ba at darating din ang araw na 'to, masaya ako para sa inyo 'tol! Alam ko namang hindi ka hi-hindian ni Hazelle mahal na mahal ka niya. Advance congratulations and best wishes sa inyo!" Sagot naman ni Kyle na ikangiti ko lalo.

"Cheers! Para sa soon to be groom Dylan Chua!" Sigaw naman ni Levi at sabay sabay namin tinaas sa ere ang mga hawak naming baso at nag cheers kami sa isa't isa.

"Salamat mga pre, Pero dahil nga plano ko na mag po-propose sakanya kailangan ko ang tulong niyo. Gusto ko maging espesyal ang araw na 'yon para sa aming dalawa" Ani ko at napatango naman silang lahat.

"Walang problema,  sabihin mo lang lahat ng kailangan mo kami ang bahala" Paniniguro sakin ni Levi.

"Naka usap mo na ba ang magulang ni Hazelle tungkol dito? Pati ang mga kapatid niya?" Tanong bigla ni Jonathan.

"Balak ko na sila kausapin sa makalawa, kinakabahan nga ko baka kasi hindi sila pumayag" Ani ko.

"Imposible mangyari yan, alam ng magulang ni Hazelle kung gaano niyo kamahal ang isa't isa, sigurado ako magiging masaya sila pag nalaman nilang plano mo na pakasalan ang anak nila" Sabi naman ni Kyle.

"Sana oll may jowa" Biglang tumikhim si Jonathan kaya nagtawanan kami.

"Bakit ba kasi hirap na hirap ka maghanap ng babae? Ang daming nagkakandarapa sayo dinededma mo lang lahat" Komento ni Levi.

"Wala akong matipuhan sakanila, ayoko namang mag take advantage sakanila at paasahin na gusto ko sila well in fact hindi naman ako na a-attract sakanila" Paliwanag naman ni Jonathan.

Hindi talaga nagbabago ang lalaking 'to, ito talaga ang mala Santo ng grupo namin.

"Ikaw na talaga ang pambansang ideal guy pare! Pero paalala lang 'tol hindi ka na binata tumatanda ka na kaya hanggat maaga aga pa hanapin mo na yang babaeng nagugustuhan mo, ikaw ren baka maunahan ka pa" Sabi naman sakanya ni Levi.

"Ikaw naman Kyle, kamusta ka na?" Seryoso ko namang tanong sakanya. Bigla ren naman lumamig ang paligid at nawala ang saya na kanina ay buhay na buhay, napaltan ito ng malungkot na pakiramdam.

Alam kong hindi ko na dapat pa tinanong sakanya ang tungkol doon pero naisip ko na mas makakatulong sakanya kung ilalabas niya sa amin ang saloobin niya, anh sakit na nararamdaman niya simula ng magpakasal si Melanie kay Riley.

Bumuntong hininga siya at deretsong inubos ang wine na nasa baso niya.

"Magsisinungaling pa ba ko sa inyo, mukha namang alam niyo na ang isasagot ko diyan." Aniya.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon