Pathway~[08]

297 15 8
                                    


BAND-AID

Hazelle's POV,

Nagpaalam na ko kay Lia at agad umalis ng apartment niya pagtapos ng Bridal Shower namin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip na ikakasal na siya bukas pero hindi niya pa alam. Alam kong atat na atat na siya pakasalan si Kuya Evan, ewan ko ba kay Kuya kung bat natagalan siya.

Lumabas na ko ng elevator at dumaretso sa parking lot at agad hinanap ang kotse ko. Agad ako sumakay rito at pinaandar na ito. Napabuntong hininga ako ng biglang pumasok sa isip ko ang mga trabaho ko bukas, palapit na ng palapit ang pagbubukas ko ng shop kaya mas lalo akong na iistress. Parang napapansin ko na rin na nawawalan na ko ng oras kay Dylan, baka nagtatampo na siya sakin. Kahit sabihin niya lagi na naiintindihan niya, alam kong may parte sakanya na nalulungkot siya.

Bigla ko rin naiisip, paano kapag kinasal na kami? Baka maging workaholic naman ako at hindi na siya maasikaso bilang asawa niya? Paano kapag nag ka anak na kami, baka hindi ko magawang maging ina sa mga anak ko? Alam kong malaki na ang sinisweldo ni Dylan sa trabaho niya pero ayoko naman na hindi rin ako kumakayod para sa pamilya namin, pero alam kong sasabihin niya na maging house wife nalang ako. Hayst bahala na hindi pa nga siya nag po-propose ang dami ko na agad iniisip. Para akong si Lia na atat na atat narin maikasal. Mabuti at hindi gaano ka traffic kaya nakauwi agad ako ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sakin si Mama habang umiinom ng tubig.

"Ma gising pa po pala kayo, pasensya na po ginabi ako galing pa po kasi ako sa shop tsaka Bridal Shower namin ni Lia" Paliwanag ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Ayos lang anak naiintindihan ko. Mukhang pagod na pagod ka nga ah, sayang at hindi mo naabutan si Dylan dumalaw siya dito pero sabi ko wala ka pa. Alam kong mawawala agad ang pagod mo pag nakita mo siya" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pumunta si Dylan dito?

"P..po? Bakit daw po siya napadaan dito?" Tanong ko.

"Gusto ka lang niya kamustahin...nagbiro pa nga na mag po-propose na daw siya dapat ngayon sayo pero wala ka pa. Matagal tagal din siya nag intay dito pero sabi niya masyado ng gabi at baka daw nakaka abala na siya samin ng Papa mo kaya umuwi na siya" Paliwanag ni Mama kaya kumunot ang noo ko.

Kainis naman! Bakit hindi niya tinotoo yung biro niya? Napasimangot tuloy ako at natawa naman bigla si Mama.

"Na dissapoint ka ba anak? Ayos lang yon siguro hindi pa talaga ngayon ang tamang panahon para yayain ka niya magpakasal. Tsaka diba sabi naman niya malapit na, magtiwala ka lang sa salita niya anak ang isipin mo sa huli... ikakasal kayo" Sabi ni Mama at linapitan ako para himasin ang buhok ko. Napabuntong hininga naman ako.

"Alam ko naman po yun Ma, pero para na kasi siyang sirang plaka sa 'malapit niya eh... malapit na talaga ako mapagod kakahintay ng proposal niya. Pag hindi na ko nakapagpigil ako na magyaya sakanya" Sabi ko at muling humalakhak si Mama.

"Anak mahalay sa babae ang siya ang magyaya ng kasal, bukod sa batas ng angkan natin na buong respeto dapat hingiin ng ating makaiisang dibdib ang ating kamay ay tradisyon na ng karamihan na lalaki ang magaalok ng kasal. Maaaring yoong iba ay yoon nga ang ginagawa, pero nababase naman ito sa tao o dahilan" Aniya.

"May punto po kayo don Ma. Sige ho magpapahinga na po ako marami pa po ako aasikasuhin bukas. Magpahinga narin po kayo Mama" Ani ko at hinalikan siya sa pisnge.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon