Pathway~[12]

283 15 3
                                    


HEAVEN

Hazelle's POV,

Maaga ako nagising, tumingin naman ako kay Dylan na nakayakap parin sa bewang ko, napangiti ako habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha... kung ito ba namang mukha na to ang palagi mo makikita sa umaga hindi pa ba ma kokompleto ang araw mo? Bumangon na ko para maghanda ng almusal namin, maya maya rin siguro ay nandito na sila Mama.

Dumaretso na ko sa kusina, pinakain ko muna si Dylie sa bakuran.

"Ikaw talaga Dylie mag po-propose pala si Dadi mo hindi mo sinasabi sakin? Salamat at tinulungan mo si Dadi ah, good girl hayaan mo hahanapan din kita ng jowa okay" Sabi ko kay Dylie habang nakain siya. Nagsimula na ko magluto ng almusal, corn beef at fried rice lang ang niluto ko.

"Good Morning..." napalingon ako sa taong nagsalita, si Dylan pala kaya napangiti ako. Nilapag ko na sa lamesa ang dalawang tasa ng kape at linapitan siya para halikan siya sa labi.

"Nag toothbrush ka na ba?" Tanong niya kaya hinampas ko ang dibdib niya.

"Oo naman. Good morning din, kain na tayo..." Sagot ko at tumawa naman siya at tumango. Umupo na kami at nagdasal muna bago kumain.

"May pasok ka ba ngayon? Day off ko kasi ngayon maybe we can have a date outside?" Tanong niya kaya napatigil ako sa pagkain. Natigilan naman ako saglit.

"H..Hun pasensya na-" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Its okay Hun, alam kong mas abala ka ngayon dahil bukas na ang opening ng shop mo, I can come with you at your office doon nalang tayo mag date" Aniya kaya ngumiti ako at tumango. Natapos na kami kumain at nag alok siya na siya na daw ang maghuhugas ng pinggan, habang ako ay umakyat na para maligo.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng makita si Dylan nakaupo sa kama ko, nakatapis lang ako ng twalya sa katawan, napatakip tuloy ako ng katawan. Tumawa naman siya.

"Sorry akala ko kasi tapos ka na maligo, tsaka I already seen it and touch that my wife... don't be shy about it" Sabi niya at kumindat pa kaya nanlaki ang mata ko.

"K..Kahit na, lumabas ka muna m..magbibihis ako" Nauutal kong sabi kaya natawa siya ulit at napa atras ako sa pinto ng lumakad siya palapit sakin.

"Do you want me to help dress you Hun?" Mapang akit niyang tanong kaya napalunok laway ako. Napakagat labi din ako at napatingin siya sa labi ko.

"Silence means yes..."

"Dylan-" Agad niyang siniil ang labi ko dahilan para hindi na ko makasagot kaya sinagot ko nalang ang halik niya. Naglakbay agad ang kamay niya sa bewang ko at binuhat ako, pinulupot ko naman ang kamay ko sa leeg niya.

"Hazelle, Dylan nandito na kami" Kaagad napahiwalway kami ni Dylan sa isa't isa ng marinig namin ang boses ni Mama sa baba, nandito na sila.

"Ikaw na muna bumaba sabihin mo nagbibihis lang ako" Sabi ko at tumango siya. Mabilis ako nakapagbihis at kaagad bumaba dala ang bag ko. Nakita kong nakaupo silang tatlo sa salas.

"Hazelle, kamusta anak? Ano ang sinagot mo sa proposal sayo ni Dylan?" Agad na tanong sakin ni Mama. Ngumiti ako at tinaas ang kamay ko na suot ang singsing.

"Masaya ako para sa inyo Hazelle, kasal nalang talaga ang kulang at opisyal na kayong mag asawa. Dylan ah ang mga paalala ko sayo huwag mo kalilimutan" Paalala ni Papa kaya tumango si Dylan.

"Oo naman po Pa, hindi ko po yun makakalimutan" Nagulat naman ako sa tawag niya kay Papa.

"Dylan ano ulit tawag mo sa Papa ko?" Tanong ko kaya tumawa sila.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon