Pathway~[21]

179 8 0
                                    


BEST

Hazelle's POV,

Naka uwi na ko galing mall, we all had a great time. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan kong nagluluto ng hapunan si Mama.

"Oh Hazelle nandito ka na pala tamang tama matatapos na ito maluto. Malapit narin umuwi ang Papa mo galing trabaho" Aniya kaya umupo na ko sa upuan at tinulungan si Mama na maghanda ng hapunan.

"Mukhang nag enjoy ka kasama ang mga kaibigan mo, kamusta nga pala si Melanie? Ngayon niyo lang ulit siya nakita mula ng maikasal siya kay Riley diba?" Tanong ni Mama.

"Maayos naman daw po siya Ma pero hindi niya tinago sakin na mahal niya parin si Kyle kahit na kasal na sila ni Rile. Alam ko po mahirap talaga ang sitwason nila pero nandito kaming mga kaibigan nila para surportahan sila. Sinusubukan nilang makahanap ng ebidensiya laban sa pamilya nila dahil sa mga ilegal na ginagawa nito para lang kumita ng pera, sana matuklasan na nila ito para mapawalang bisa na ang kasal nila" Pagkwento ko at napatango naman si Mama.

"Sana nga anak, pero mahirap ang ganyang klaseng kaso... mga mayayaman nga naman talaga mga uhaw sa pera at popularidad, nag mamalinis ng pangalan pero puro kadumihan naman pala ang mga palad. Dumaan kami sa hirap ng Papa mo at kahit kailan ay hindi sumagisa isip namin na gumawa ng masama para lang mabuhay kami at kayo ng mga Kuya mo, mabuti ng mag triple kayod kami maitawid lang ang mga pangangailangan natin kesa makalanghap tayo ng karangyaan ng gamit naman ang dahas" Aniya kaya napangiti ako.

"Alam ko naman po na hindi niyo magagawa yon dahil mabubuti po kayong tao at may takot sa Diyos, ganoon po ninyo kami pinalaki nila Kuya" Sagot ko.

"Pero anak bilib ako kay Melanie, nakakaya niya ang lahat ng ito. Alam ko may mga oras na gusto na niyang sumuko, pero nangingibabaw parin ang pagmamahal niya sa sarili niya at kay Kyle. Hindi lang naman kalayaan ng pagmamahalan niya ang makukuha niya kapag nag tagumpay silang pabagsakin ang pamilya nila, pati rin ang kalayaan ng buhay niya sa kamay ng mapang api at mang gagamit niyang mga magulang. Hindi ko lubos maisip kung paano nila nakayang gamitin ang isang inosenteng bata para lang sa karangyaan at kapangyarihan, pero alam kong ang Diyos na ang bahala sakanila"

"Tama po kayo Mama. Ang kabaitan at pagkukop niya kay Melanie ay may malaki palang kapalit, at yon ay sirain ang buong buhay niya at kunin ang kalayaan niya mag desisyon para sa sarili niya. Inamin samin ni Melanie na ni minsan ay hindi naman siya tinuring na anak, kaya labis po akong naawa sa kanya dahil hindi niya naranasan ang pag aalaga ng isang magulang" Sambit ko at uminom ng tubig.

"Sigurado akong sa mga magulang ni Kyle niya mararamdaman yon. Konting tiis pa at magkakasama narin sila ng payapa, may awa ang Diyos anak..."

Nilagay na ni Mama sa mesa ang ulam at kanin at nagsimula na kami kumain. Dumating narin si Papa kaya sinabayan na niya kami kumain.

"Kamusta na sa Mindanao si Dylan Hazelle? Balita ko lumindol daw doon at umulan ng malakas, nag ka landslide pa nga at maraming bahay ang nasawi" Balita ni Papa kaya nabitawan ko ang kubyertos ko.

"P..po? Kanina ko pa siya tinatawagan at hindi niya sinasagot ang mga tawag ko... baka may nangyari na po sakanya doon" Pag aalala ko at kinuha ang cellphone ko at sinubukan ulit siyang tawagan, pero hindi niya parin ito sinagot.

"Huminahon ka Anak baka naman abala lang talaga siya sa mga inaasikaso niya doon" Panghihinahon sakin ni Mama pero hindi parin ako mapakali.

"Tama ang Mama mo anak huwag ka mag isip ng kung ano ano. Tatawagan ka niya kapag nagkaroon siya ng pagkakataon" Dagdag ni Papa kaya bumuntong hininga ako at uminom ng tubig.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon