Pathway~[23]

176 9 0
                                    


《YOU ARE THE ONE》

Hazelle's POV,

Nagkakilala kami sa isang hindi inaasahang araw at dahilan. Mga bata pa kami ng unang nagtagpo ang mga landas namin, ako ay isang simpleng batang babae na ang alam lang gawin ay maglaro at mag aral samantalang siya naman ay isang batang lalaki na suplado at walang ginawa kung hindi ang maglaro. Inaamin ko ng una ko siyang makita sa palaruan nuon ay naantig na ko sa kakisigan niya, napaka seryoso ng mukha niya habang nakapokus siya sa paglalaro ng psp niya. Dahil sa lakas ng loob ay kinausap ko siya at gumawa pa ng dahilan para kausapin niya ko. Simula nuon ay napakasaya ko na halos araw araw na kami naglalaro sa palaruan sa parke, medyo nag ke-kwento siya tungkol sa sarili niya at ganoon din ako sakanya kahit hindi naman niya tinatanong. Pero isang araw bigla nalang siya hindi nagpakita, nalungkot ako, palagi ko siyang hinihintay kung darating ba siya pero walang batang lalaki ang nagpapakita. Hanggang sa tumigil na ko pumunta sa parke at pumasok na sa High School at nag graduate... Minsan ay naiisip ko parin siya at hinahangad na makita siya muli.

Dumating ang taon ng Senior High School.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin sa taong kong yon, pero pinangako ko sa sarili ko na mag aaral ako ng mabuti para makahanap ng magandang trabaho at matulungan sila Mam at Papa.

"Mama sa tingin mo, kailan po kaya ako makakahanap ng boyfriend? Hindi naman po sa nagmamadali ako pero..."

"Anak darating ng kusa ang tamang lalaki para sayo, huwag mo siyang hanapin dahil tadhana ang magtatagpo sa inyo sa hindi inaasahang panahon at dahilan. Malay mo nasa tabi tabi na siya hinihintay ka lang" Sagot ni Mama kaya napangiti ako.

"Talaga Ma? Sana nga po dumating na ang Unexpected Moment naming dalawa. Kung sino man siya, sigurado akong habang buhay niya ko mamahalin at aalagaan"

Yaan ang salita na sinabi sakin ni Mama na palagi kong tinatandaan, at hindi naman mali ang sinabi niya dahil isang araw ay nakilala ko ang isang lalaki sa hindi ko inaasahang dahilan at panahon. Siguro nga yoon ang paraan ng tadhana para magkatagpo ang dalawang taong nakatakda para sa isa't isa. Nagkakilala kami sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi rin namin inaasahan na magkakilala na pala kami nuon pa. Sa hindi rin inaasahan, parehas pala kami ng eskwelahan na papasukan at magkaklase pa kami. Hindi ko rin alam na lider siya ng isang grupo na BX5 at ang patakaran na ginawa nila dahilan para maging Prinsesa kami nila Melanie ng grupo nila na labag naman sa kalooban namin. Halos ilang buwan nagtagal ang pangugulit nila sa amin. Dahil dito ay nagkaroon ng matinding gyera sa pagitan namin na hindi ko akalain na mangyayari. Pero hindi na ko nagtataka sa mga kilos na pinapakita niya at ang pagtrato niya sakin at sa ibang tao dahil sa simula palang ay ganoon ko na talaga siya nakilala.

"Just say the truth because there's no use of denying it..."

"I'm denying that I love you..."

Simula ng sinabi niya ang mga salitang yan ay hindi na yon nawala sa isip ko. Oo pilit ko iniiwasan ang katotohanan na gusto ko si Felix noon pero wala akong alam na iba pala ang hinahangad ng puso ko. Then Unexpectedly he made a deal dahil sa atraso ko sakanya and my consequence is to be his 5 month girlfriend. In that 5 months we became closer, we've known about each other better. Kasabay ng deal namin ay naging mag partner model kami which I benefit money for that became a big help for my allowance, hindi na ko nanghihingi kela Mama. As the 5 months coming to an end, I've realized something... Something that I've never imagined.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon