Pathway~[01]

1.3K 54 8
                                    


《ANG SIMULA》


Hazelle's POV,

"Anak! Bumangon ka na diyan, mahuhuli ka na sa trabaho mo" Rinig kong sigaw ng pinakamamahal kong Nanay sa ibaba.

Kaagad naman ako bumangon at inayos ang higaan ko bago dumaretso sa banyo at inayos ang sarili ko, mukha nanaman akong bruha sa sobrang gulo ng buhok ko at laki ng eye bags ko.

Pagbaba ko naman galing kwarto ko ay nagulat ako ng naabutang naka upo lahat sila Mama at Papa sa salas kasama ang dalawa kong Kuya, Anong meron?

"Bakit ganyan ang mga itsura niyo?" Nagtataka kong tanong sakanila at linapitan sila sa may salas.

Nagulat ako ng makita sa tapat ng pinto si Ate Delaney at sobrang laki ng ngiti niya ng makita ako, kasabay non ay ang pagtayo rin nila Mama at Papa kasama ang mga Kuya ko ng may malaking ngiti rin sa mga labi nila.

"Surprise Hazelle! Na miss mo ba ang Ate Delaney mo? Kahapon pa namin nalaman na bibisita siya rito at naisipan namin na hindi muna sabihin sayo para masurpresa ka niya" Paliwanag ni Mama at nang mag sink in na sakin ang nangyayari ay kaagad ko niyakap ng mahigpit si Ate Delaney.

"Na miss kita kapatid ko, pasensya ka na ngayon lang ako naka dalaw alam mo namang inaalagaan ko pa ang mag ama ko" Ani Ate Delaney kaya napangiti naman ako at humiwalay na sa yakap.

"Naiintindihan ko Ate, Miss na miss narin kita pero alam ko namang may asawa at anak ka na kaya mas kailangan mo silang paglaanan ng oras mo" Sagot ko na ikinangiti naman niya ulit.

"Bakit nga pala hindi mo sinama ang mag ama mo dito? Gusto ko narin makita ang apo ko" Tanong naman ni Papa.

"Susunod po sila dito mamaya, tulog pa po kasi si Deilyn kaya sabi ko sumunod nalang sila paggising niya" Sagot naman ni Ate Delaney.

"Kumain muna tayo habang naghihintay sakanila, marami akong niluto kaya siguradong hindi sila mauubusan ng pagkain" Anyaya samin ni Mama at sabay sabay kaming pumunta sa kainan at umupo sa harap ng mesa na puno ng iba't ibang masasarap na pagkain.

"Ate kamusta ang buhay may pamilya? Sumasakit ba ulo mo sa  mag ama mo?" Pangangamusta ko kay Ate Delaney at natawa naman siya sa tanong ko at napabuntong hininga.

"Nung una medyo nahirapan ako lalo na nung sanggol palang si Deilyn, hindi ko kasi alam kung paano ko siya patatahanin sa tuwing iiyak siya pero salamat nalang sa Tatay niya at napapatahan siya nito, palagi niya kasi nilalaro si Deilyn hanggang ngayon nakikita ko nga na lumalaking daddy's girl ang anak namin" Kwento niya at napangiti naman ako, masaya talaga kapag may sarili ka ng pamilya.

"Kayo ni Dylan, kamusta na kayong dalawa? May naaalala na ba siya?" Tanong naman niya bigla kaya napatigil ako sa pagkain.

"Maayos naman kami Ate pero, wala parin siya naaalala sa ngayon. Ate paano kung, hindi na talaga bumalik ang ala ala niya? Mawawala rin ba yung pagmamahal niya sakin?" Nakita ko rin ang paglungkot ng mukha ni Ate Delaney nung sinabi ko yun at hinawakan niya ang kamay ko.

"Kilala ko si Dylan, hinding hindi niya magagawa yon. Mahal na mahal ka niya at mahal na mahal mo rin siya, malalagpasan niyo 'to gamit ang pagmamahalan ninyo, kumapit ka lang Hazelle at alam kong hindi bibitaw si Dylan anu man ang mangyari" Aniya at medyo ngumiti sakin.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon