Pathway~[05]

526 17 5
                                    


PARENTS APPROVAL

Dylan's POV.

Nandito na ko sa bahay nila Hazelle para makapag paalam na sa magulang niya na mag po-propose na ko sa anak nila. Kasama ko rin ang mga kapatid niya. Syempre palagi kami nilulutuan ni Tita ng makakain.

"Oh Dylan nandito ka na pala, sakto at tapos na ko magluto, nakahain na sa mesa ang pagkain" Bati sakin ni Tita. Ngumiti ako at umupo na sa upuan. Katabi ko ang tatlong Kuya ni Hazelle. Ang Tatay ni Hazelle ay nasa gitna at si Tita naman ay sa kanan. Masarap talaga magluto si Tita, hindi na ko magtataka kung saan nagmana si Hazelle.

"Kamusta ang pagkain Dylan? Masarap ba?" Tanong sakin ni Tita.

"Opo Tita, palagi naman po masarap ang luto niyo" Sagot ko. Ngumiti naman siya.

"Ma, palagi ka kasi nagluluto pag nandito siya kaya palagi siya napapakain at syempre masarap naman po ang luto niyo" Sagot ni Kuya Matt.

"Oo nga Ma syempre kakain narin kami, sayang naman ang dami niyo pa naman niluluto, may dessert pa nga oh" Komento naman ni Kuya Evan.

"Kumain na nga lang kayo, mga patay gutom" Puna naman ni Ethan.

"Kayo talagang magkakapatid, Mahal magsalita ka naman diyan, kain ka lang din ng kain alam kong palaging ka nasasarapan sa luto ko" Pansin naman ni Tita sa asawa niya.

"Mahal, alam mo namang pag may ganito tayong kainan ay importanteng pag uusapan 'to, kompleto ang tatlo nating anak ngayon. Hindi ako kinakabahan dahil alam ko naman na may ipag papaalam sakin si Dylan... tungkol sa anak natin na si Hazelle" Paliwanag ni Tito.

Ang straight forward talaga ng Tatay niya.

"Mahal naman kumain muna tayo ng dessert, ito oh leche flan hindi yan gaano matamis" Sagot ni Tita.

"Ma bakit hindi gaano matamis? Paano kami?" Reklamo ni Matt.

"May iba pang minatamis diyan, kuhanin niyo nalang" Sagot ng Nanay nila.

"Pag usapan na ang dapat pag usapan ng matapos na 'to, nag iintay ang mag ina ko sa bahay" Ani ni Ethan.

"Ahm, Tita at Tito... gusto ko po sana mag paalaam sainyo kung pwede ko na po makuha ang kamay ng anak niyo? Mag po-propose na po ako sakanya, kahapon lang po ako nagpaalam sa mga anak niyo at pumayag na po sila, pagpayag niyo nalang po ang hinihintay ko" Magalang kong pag papaalam sakanila.

"Gaya ng sabi ko sayo noon, alam kong hindi mo pababayaan at sasaktan ang anak namin, nasaktan mo na siya noon pero hindi naman 'yon maiiwasan sa relasyon. Alam ko namang hindi rin tatanggi sayo ang anak namin, marami ka naring pagsubok na pinagdaanan, sayang nga at hindi na masasaksihan ng magulang mo ang kasal niyo, hindi rin namin nakilala ang magulang mo pero alam kong masaya sila para sa inyong dalawa. Mahalin niyo ang isa't isa ng walang katapusan, hanggang kamatayan" Pagpayag ni Tito. Sobrang saya ko na tipong gusto ko sumigaw sa sobrang tuwa.

Nakita ko naman na naluluha na ang asawa niya at napansin niya rin ito.

"Mahal naman, wala pa ngang kasalan umiiyak ka na diyan?" Komento ni Tito.

"Kasi naman, mabuti pa yong anak mo mararanasan na may mag po-propose sakanya, hindi ka naman nag propose sakin noon, tapos yung singsing na binigay mo rubber band lang" Paliwanag ni Tita kaya natawa kaming lahat.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon