Pathway~[03]

1K 41 18
                                    


《LOCKED BY LOVE》

Dylan's POV,

"Ethan, papayag ka bang pakasalan ko ang kapatid mo?" Seryoso kong tanong ng puno din ng sinseridad ang boses ko.

"Marami na kaming pinagdaanan ni Hazelle at alam kong may mga posible pa kaming pagdaanan sa paglipas ng panahon. Alam kong hindi ko pa lubusan kilala ang sarili ko dahil sa mga naglaho kong alaala pero gaya ng sabi sakin ni Hazelle, handa siya gumawa ng panibagong alaala basta kasama ako at ganun din ako sakanya. Mahal na mahal ko siya at wala ng ibang babae ang nakikita ko sa sarili ko na karapat dapat ng pagmamahal ko kung hindi siya lang. Bilang ikaw ang nakatatanda niyang kapatid, hinihingi ko ngayon sayo hindi bilang kaibigan mo kung hindi bilang lalaking hinihingi ang kamay ng isang babae sa pinakamamahal niyang kapatid" Dagdag ko at nanatili kaming nakatitig ng seryoso sa isa't isa at napuno ng katahimikan ang paligid namin.

Napabuntong hininga siya at hinawakan ang balikat ko.

"Dylan, saksi rin ako sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan niyo ng kapatid ko at nakita ko rin kung gaano niyo pinaglaban ang pag iibigan niyo. Mabait, mapagmahal, at maalaga ang kapatid ko kaya ganoon nalang kami ka overprotective sakanya nila Evan at Matt dahil gusto namin na karapat dapat ang lalaking habang buhay niyang mamahalin. Matagal narin naman tayo magkakilala at sa tingin ko, wala ng mamahalin na ibang lalaki ang kapatid ko kung hindi ikaw" Aniya dahilan para mamuo ang kaba sa dibdib ko.

"Binibigay ko ang basbas ko sa kasal ninyo, pero tatandaan mo 'to Dylan... Sa oras na saktan mo ang kapatid ko, ako mismo ang gagawa ng annulment niyo" Banta niya pero napangiti parin ako ng marinig na sang ayon na siya sa pagpapakasal namin.

"Hinding hindi ko makakalimutan yan, Salamat 'tol. Hayaan mo kakausapin ko rin sila Evan at Matt para hingiin ang kamay ni Hazelle lalo na sa magulang ninyo" Paniniguro ko at tumango lang siya.

"Ikaw talaga ginugulat mo ko, at talagang dito ka pa sa ospital nanghingi ng basbas sakin" Aniya kaya natawa ako.

"Pasensya na sa totoo lang biglaan ko rin naman naisip 'to, pero alam ko sa loob ko na dapat matagal ko na siyang pinakasalan" Sagot ko.

"Sana nga ang kasal ninyo ang maging susi para habang buhay na mamuhay ng masaya ang kapatid ko" Aniya.

***

Hazelle's POV,

Nasa opisina ako ngayon at as usual madami akong inaasikaso lalo na't malapit na ang grand opening ng shop ko. I would be releasing my own make up and skin care line and the model that I choose to represent my products is my one and only best and gorgeous friends Pauline and Yunna.

Nang sinabi ko sakanila ang offer ko ay hindi sila nag dalawang isip na tanggapin ang aking proposal and I'm glad na pumayag silang umuwi muna dito sa pilipinas for the photoshoot.

Habang abala ako sa pag pirma ng iba't ibang papeles ay may biglang kumatok mula sa pintuan ng opisina ko.

"Come in" bukambibig ko habang abala parin sa pag pirma. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at hinayaan siyang makapasok ng opisina ko.

"Mukhang busy na busy ang kaibigan ko ah, wala na yata siyang oras makipag kwentuhan sakin babalik na nga lang ako ulit ng New York" Biglang salita ng isang pamilyar na boses.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon