Pathway~[26]

222 15 2
                                    


LINGERIE

Hazelle's POV,

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng kinasal kami ni Dylan. Pagkabalik namin ay kaagad din kaming naging abala sa mga sarili naming trabaho. Nakalipat narin kami ng bahay, ang bahay kung saan kami bubuo ng pamilya. Sa loob ng dalawang linggo na magkasama kami sa iisang bubong ay puno ito ng pagmamahal at saya, yung mga tradisyon ng isang normal na mag asawa ay ginagawa nanamin ngayon, ang pagsilbihan siya bilang misis niya at ganoon din siya bilang mister ko. Palagi kong sinisiguro na ako ang nagluluto ng umagahan namin dahil kadalasan ay madaling araw na siya nakakauwi galing opisina, palagi ko rin siya binabaunan ng pananghalian o kaya naman kung may nalalabi akong oras ay ako na mismo ang bumisita sakanya para dalhan siya ng pagkain, may mga gabi na hindi na kami nakakapagsabay kumain ng hapunan pero naiintindihan ko naman kaya iniiwanan ko nalang siya ng pagkain sa lamesa.

Nasa opisina ako ngayon at ginagawa ang trabaho ko. Habang tumatagal ay gumaganda ang takbo ng shop, nagsimula narin ang online selling namin at marami rin ang bumibili dito. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita  kong si Elyzza ang tumatawag, kaagad ko naman ito sinagot.

"Hello Hazelle, kakamustahin ko lang sana kung matatapos mo na ang damit ni Eloah para sa binyag niya?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Oo naman hayaan mo ipadadala ko na yon sayo sa makalawa, sana magustuhan mo at ni baby Eloah" Sagot ko.

"Salamat Hazelle sigurado naman ako maganda ang pag kaka disenyo mo don, the way your business is rising I wouldn't mind doubting your skills" Puri niya sakin kasa tumawa ako.

"Huwag mo na ko bulahin dahil lang sa libre ang pagpapagawa mo ng damit sakin. Its my present for my pamangkin. Sige na magpahinga ka na alam kong kailangan mo ng pahinga ngayon dahil napagod ka kagabi..." Biro ko sakanya at tumawa siya.

"Grabe ka paano mo nalaman? Siguro kayo din ni Dylan noh? Aminin mo?" Pang-aasar niya sakin.

"Huwag mo kami itulad sa inyo ni Levi. Sige na bye" Sabi ko at binaba na ang tawag. Unbelievable ilang months palang si Eloah pero mukhang mapapa aga ata na maging kuya siya. Tsaka sa abala naming dalawa sa trabaho... Parang wala kaming oras para ulit sa ganoong bagay. Bigla naman bumungad sa akin si Maidelyn, malungkor at pag aalala ang nakita ko sa mukha niya.

"Maide, may problema ba?" Tanong ko sakanya. Sinara naman niya ang pinto at lumapit sa lamesa ko.

"M..Maam Hazelle hindi niyo pa po ba nababalitaan?" Tanong niya kaya bigla naman kumunot ang noo ko.

"Ang tungkol saan?" Tanong ko pabalik. Napakagat labi naman siya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba, mukhang may hindi siya magandang sasabihin.

"K..Kasi po Maam, usap usapan po sa labas at sa shop na marami raw po na tinanggal na empleyado sa kompanya ni Sir Dylan... Nagbawas daw po sila ng tao dahil hindi na kaya ng kompanya na swelduhan sila" Paliwanag niya kaya nanlaki ang mata ko. Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? Wala naman binanggit sa akin si Dylan na may balak siya magtanggal ng tao.

"K.Kamusta naman ang kompanya nila ngayon? Naayos na ba yung problema?" Tanong ko.

"Ang pag kaka alam ko po ay hindi parin ito naayos. Nalaman ko rin po na ang dahilan ng pagpunta ni Sir Dylan sa Mindanao ay nakipag usap siya sa isa sa mga supplier nila para sa kompanya at nag makaawa na mag supply parin para sakanila... Pero nabigo sila at binitawan parin sila ng supplier. Ito po ang dahilan kung bakit bumababa na ang sales nila ngayon" napatingin nalang ako sa laptop at tila gulat parin sa mga nalalaman. Why didn't you tell me all of this Hun?

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon